Chapter 46 - The Kiss

55 4 0
                                    

Jes Revan's POV

Kanina pa ako dito hindi mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nung nakita ko yung itsura niya, yung pugto at mapula na mata niya. Sobra akong nag-aalala. Nasasaktan akong makita siyang ganun.

Nandito ako sa tapat ng bahay nila at nakaakyat sa puno katapat ng kwarto niya. Mukha man akong stalker sa ganitong sitwasyon, pero lagi ko na itong ginagawa. Gusto ko kasing makitang okay lang siya. Makita ko lang siya ay aalis na ako dito. Pero mag-aalas-otso na, wala man lang ilaw ang kwarto niya.

Nakita kong lumabas ang mama niya ng bahay kaya naman tinignan ko itong maigi. Halatang hindi mapakali. Kaya kahit kinakabahan ako ay bumaba ako sa puno at napansin niya agad ako.

"S-Sino ka?" agad na tanong ng mama ni Zaine.

"Kaklase po ako ni Zaine... Ako po si Jes. Itatanong ko lang po sana kung nandyan siya?" sabi ko.

"Jes? Ikaw pala si Jes.." sabi niya at ngumiti. "Ikaw pala yung nasa journal niya."

Nagulat naman ako sa hindi inaasahan. Pero mas nabigla ako ng may bumagsak na luha mula sa mata ni Tita.

"Uhm... Okay lang po ba kayo?" tanong ko.

"Wala dito si Demi. Kanina pa siyang hindi umuuwi at hindi ko alam kung paano siya hahanapin. Ang laki ng kasalanan ko sa kaniya..." sabi niya.

Hindi naman ako makaimik dahil dun. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero nag-aalala ako kasi hindi pa pala umuuwi si Zaine.

'Hindi pa umuuwi si Zaine... The fuck!'

Delikado kasi gabi na. Hindi ito pwede, baka mapahamak siya. Unti-unti na akong nakakaramdam ng kaba dahil dun.

"G-Ganito na lang po. Ako na lang po ang hahanap kay Zaine. Iuuwi ko po siya ng ligtas." sabi ko.

Agad ko namang nakumbinsi ang mama ni Zaine kaya naman umalis agad ako. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras.

Nagpaalam na agad ako at umalis. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng pumunta. Masyadong malaki ang lugar na ito samin. Delikadong-delikado. Siguradong kapag nakita siya ng kalaban, lagot na.

'Hinahanap rin kaya siya ni Gab?'

Takbo ako ng takbo at nililibot ang paningin ko sa madadaan ko. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagkulog. Kasunod nun ay ang mabilis na pagbuhos ng ulan.

Pagod na pagod na ako pero hindi ako susuko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita. Wala akong paki kung basang-basa na ako. Napatingin na lang ako sa kalangitan at napapikit.

'Oh, God.. please help me to find her.'

Tinignan ko ang oras sa relo ko.

'11:35 p.m.'

Ilang oras na rin pala akong tumatakbo. Ilang oras ko na rin pala siyang hinahanap.

'Zaine, nasaan ka na ba?'

Punong-puno na ako ng pag-aalala. Hatinggabi na at hindi ko pa rin siya nakikita. Halos madilim na ang kapaligiran at wala ng katao-tao. Hanggang sa pumasok sa isip ko yung lugar kung saan kami nagkakilala ni Zaine...

'Tama.. baka nandun siya.'

Sana nga nandun siya. Wala na akong sinayang na oras at tumakbo na ulit papunta sa lugar na yun. Medyo malayo-layo yun. Sana makita ko siya bago matapos ang birthday niya.

Hingal na hingal akong napakapit sa dalawang tuhod ko ng marating ko na ang lugar na ito. Mas lalong lumakas ang ulan. Nilibot ko ang paningin ko, hinahanap kung nasaan siya.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now