Chapter 50 - Stay Away From Him

59 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Hindi maalis ang ngiti ko sa labi hanggang sa makarating kami dito sa parke. Hawak ko pa rin yung tissue na nakalagay kanina sa ice cream na bigay sakin ni Jes, at wala akong balak na itapon ito 'cause it will serve as our memory. Hahaha.

“Demi Zaine can't stop from smiling because of ice cream that was brought by Jes. Hmm..” biglang sabi ni Reign.

Ngumiti naman ako sa kaniya. “Yeah.” tanging sabi ko.

“Hays. Buti ka pa, nagustuhan niya.” sabi naman ni Angela dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kong matagal na siyang may gusto kay Jes at kung ako ang nasa posisyon niya, masasaktan din ako dahil ako yung naunang nagmahal pero yung pangalawa ang pinili niya. Hays. Hindi ko na alam kung ano itong sinasabi ko. Minahal ko lang naman si Jes at hindi ko naman inaasahan na may past kami.

“I don't want to hurt your feelings, Angela. I'm sorry.” sabi ko.

“Huh? Why do you say sorry? I'm just saying lang naman na buti ka pa. Don't mind what I've said and...” nilabas niya yung nasa loob ng paper bag. “Let's just drink!” sabi niya.

Agad akong napalunok nang ilabas ni Angela ang dalawang bote ng alak. Oo, alak! Hindi ako makapaniwala na umiinom siya ng alak. Napakabata pa namin para sa ganun at isa pa, babae kami. Sabi pa nga ni Mama sakin, huwag na huwag daw ako iinom ng alak dahil masama daw yun. Hays.

Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim bago tumingin sa kanila.

“Guys, didn't you know that it's bad to your health?” tanong ko.

“I'm used to it.” sabi ni Angela.

“Yeah, and nag-iinom lang naman kami kapag may time eh.” sabi naman ni Reign.

“But---”

“Why don't you try, Demi Zaine?” si Angela.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at umiling. “Ayaw ko.” sabi ko.

“Duh! Once in a life time lang ito noh! Kahit tikman mo lang. Hindi ka pa naman malalasing kapag nakaisang lunok ka.” sabi niya pero nanatili akong hindi pumayag.

“Still... I don't want to.” sabi ko.

Dahil dun, sila na lang dalawa ang nag-inom sa harap ko. Tama ba na nasama ako sa kanila? Ayokong maimpluwensyahan nila ako dahil dito. Ano bang gagawin ko? 

Hmp! Kaya imbis na pansinin sila, nilabas ko na lang ang cellphone ko at nag-online. Hinayaan ko na muna silang magkwentuhan habang nag-iinom. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa mapatigil ako nang makita ang isang post na mula kay Jes.

Jes Revan Sandoval

Sana huwag niyong bigyan ng malisya ang ginawa ko ngayong araw. I just did that dahil yun ang kaya kong gawin bilang pasasalamat.

Like.         Comment.           Share.

Napabuntong hininga na lang ako at ni-like ang post na yun. Even though walang malisya yun, I still appreciate it. Siyempre, taong mahal ko eh.

“Demi, ayaw mo talagang magtry uminom?” biglang tanong ni Angela kaya napatingin ako sa kaniya.

“Thank you pero ayaw ko talaga.” sabi ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now