Chapter 7 - Dog and Cat be LIKE

112 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Month of July!

Akalain mo nga naman at isang buwan na rin pala ang nakalilipas. Ang bilis talaga ng panahon. Baka bukas ay pasko na. Hahaha! Sa loob din ng isang buwan na yun ay naging makulit sakin si Jes. Kaya imbis na matuwa ako sa kaniya, naiinis ako sa kaniya! Masyadong papansin kasi.

Kagaya na lang ngayon...

“Zaine, smile ka naman!”

Pilit kong tinatakpan ang mukha ko kasi pinipicturan niya ako. Tangnang ito talaga. Pasalamat ka at hindi pa ako nagagalit sayo!

“Ano ba tigilan mo nga yung kapipicture mo sakin! Nakakainis ka!” medyo pasigaw kong sabi sa kaniya.

Kung nasa labas lang kami ng room, kanina ko pa itong binatukan. Eh kaso nandito nga kami sa loob ng room at may sinusulat tapos siya, ayan namimicture!

“Hahaha! Tignan mo mukha mo dito.” natatawang sabi niya at pinakita sakin yung picture ko.

Feeling ko nag-uusok na ang ilong ko dahil sa inis sa kaniya. Akala ko nung una matino 'to. Akala lang pala dahil ubod ng kakulitan! Ultimong kahit pikon na yung inaasar niya ay aasarin pa lalo.

Tangna mo, Jes Revan! Idelete mo yan!”

Yahhh! Kababaeng tao, nagmumura!” pang-aasar pa niya lalo kaya lalo akong nainis.

“Wala kang paki kung nagmumura ako! Idelete mo yang hayop ka. Masyado kang papansin. Lumayas ka sa harapan ko! Naiinis ako sayo! Idelete mo talaga yan dahil kapag hindi mo dinelete yan---”

Tss! Bungangera ka! Naririndi ako sa boses mo!” putol niya sa sasabihin ko.

“Ganun pala ha?! Edi sana hindi ka lumalapit sakin at inaasar ako. Dahil bubungangaan talaga kita kung sinasabi mong bungangera nga ako!”

“Hahaha! Pikon ka na noh?"

“Oo! Lalo na kapag ang kausap ko ay nakakapikon ang pagmumukha!”

“Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo din! Kwits lang tayo!”

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na sinagot pa siya. Nagtuloy na lang ako sa pagsusulat at buti naman ay umalis na siya. Nai-stress ako sa tuwing nakikita ko siya. Akala ko magiging kaibigan ko na yung animal na yun! Tsk! Ayoko ng ganun kakulit. Habang nagsusulat ay hindi ko na makita ang nakasulat sa board. Malabo kasi ang mata ko pero hindi ako nagpapasalamin. Naghanap ako ng bakante sa unahan. Nasa huli kasi ang upuan ko. Buti na lang at may bakanteng upuan kaya pumunta agad ako dun. Uupo na sana ako ng biglang umupo ang epal.

Tangina mo, Jes Revan Sandoval!’

“Ako ang nauna dyan kaya umalis ka.” nagpipigil na inis kong sabi sa kaniya.

“Ako nga ang naunang umupo kaya ibig sabihin ako ang nauna.” sabi naman niya.

Namamangha naman akong tumingin sa kaniya. Naiinis na talaga ako. Napipikon na ako. Gusto ko ng ilabas ang galit ko sa kaniya. Pero pinilit kong ikalma ang sarili ko at hinabaan pa ang pasensya sa kaniya. Inis akong umupo sa sahig at nagtuloy sa pagsusulat.

“Besh, bakit diyan ka nakaupo sa sahig?” biglang lapit sakin ni Josh.

“May asungot kasing nang-agaw ng upuan!” sinadya kong ilakas ang boses ko at tumingin kay Jes.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now