Chapter 24 - Scarf

48 6 0
                                    

Jes Revan's POV

Hinahanap ko ngayon ang scarf ko dito sa room. Takte! Saan ko ba kasi yun naipatong? Nakakainis! Mahalaga pa naman sakin yung scarf na yun. Binigay pa niya yun sakin eh. Argh!

Lumabas ako ng room at nakasalubong ko si Angela. Nakatanggap pa ako ng ngiti galing sa kaniya pero nilagpasan ko lang siya. Isa pang kinaiinisan ko ang nangyari kahapon. Sana hindi ko na lang siya sinukob sa payong! Nakakairita.

~F L A S H B A C K~

Nandito ako sa pathway ngayon at nagpapatila ng ulan. Medyo malakas kasi ang ulan at mababasa din ako kung lulusob ako dyan kahit may payong ako. Pero napapangiti ako habang pinagmamasdan ang ulan. Napaka espesyal talaga nito para sakin kagaya ng kwento ko kay Zaine.

‘Kaso lang nakakalungkot dahil ang babaeng dahilan kung bakit espesyal sakin ang ulan, ay hindi ko alam kung naaalala pa ba niya yung araw na yun... Sana naaalala mo pa..’

Matagal-tagal na rin nangyari yun kaya hindi na ako magtataka kung hindi na nga niya naaalala yun. Namimiss ko na siya. Araw-araw ko man siya nakikita pero may kulang. Hindi niya maalala ang dating pinagsamahan namin. Ayaw ko naman ipaalala dahil gusto kong siya mismo ang makaalala.

Binuksan ko na ang payong ko at akmang aalis na pero napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Angela. Halatang nagpapatila siya ng ulan. Tinignan ko ang ulan. Tsk! Mamaya pa ito titila panigurado.

Kahit labag sa kalooban ko ay nilapitan ko siya.

“Hey.” sabi ko sa kaniya.

Napalingon naman siya sakin at dun kumawala ang malawak na ngiti niya. Samantalang ako ay seryoso lang nakatingin sa kaniya.

“Hi, Jes. Sabi ko na nga ba, 'di mo ako kayang tiisin. Kaya mahal kita eh.” masayang sabi niya.

Hindi ko na lang yun pinansin. “Hindi yun ang dahilan kung bakit ako lumapit. Isusukob lang kita sa payong hanggang labas ng school dahil hindi agad titila ang ulan.” seryosong sabi ko sa kaniya.

Kaagad namang nawala ang ngiti niya. Tsk.

Hinawakan ko siya sa bewang para hindi siya mabasa. Bigla na lang akong napangiti hindi dahil kay Angela. Kundi dahil sa 'kaniya'. Sa taong ang dahilan kung bakit napaka-espesyal ng ulan para sakin.

‘Sana ikaw ang nasa tabi ko ngayon.’

Nang makarating na kami sa labas ay sumilong kami sa pathway ulit. Sa gilid ng school. Nakangiti siyang tumingin sakin.

“Sana ako ang dahilan ng pagngiti mo kanina.” sabi niya.

“Hindi porket sinabay kita dito palabas ay may ibig sabihin na. Walang ibig sabihin yun.”

“I know. Pero umaasa pa rin ako. Alam kong mamahalin mo ako, Jes.” bagaman nakangiti siya at kita ko ang lungkot sa mata niya.

Hindi ko na lang siya inimikan at tumingin sa ulan. Ayokong makipag-usap sa kaniya. Naiirita ako at naiinis. Sana pala hindi ko na lang siya sinukob sa payong.

Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Zaine na lumabas ng school. Hindi ko siya nakita sa loob kanina. Akala ko ay nakaalis na siya. Bagaman ay hindi niya ako napapansin kaya malaya ko siyang natititigan habang papalayo na siya. Napapangiti na lang ako dahil sa kaniya.

“Nakakainggit si Demi.” biglang sabi ni Angela, nakatingin din siya kay Zaine nung mapatingin ako sa kaniya. “Hindi naman siya maganda para sakin. Walang kaakit-akit sa kaniya. Mataba din siya. In short, pangit siya. Pero bakit mo siya nagustuhan, Jes?” tanong niya.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon