Chapter 23 - The Necklace

45 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

“Oh my gosh! Animal ka, Jes! Ba't mo tsinatsansingan ang bespren ko?!”

Naamlipungatan ako dahil sa lakas ng sigaw na yun ni Josh kaya minulat ko ang mata ko kahit inaantok pa ako at ganun na lang ang gulat ko ng makitang hinahampas niya ng notebook si Jes. Agad ko naman siyang inawat at napatingin ako kay Jes na mukhang bagong gising din.

“Hey, tama na yan.” suway ko.

“Ay nako, besh! Tsinatsansingan ka na nga eh!”

“A-ah. Hindi naman ah. Natutulog lang ako---”

“At magkahawak pa talaga ang kamay ah?”

Saka ako napatingin sa kamay ko at magkahawak nga kami ni Jes... Waaaaaaaaaaah! Agad kong inalis ang kamay ko habang nakatingin sa kaniya. Oh my!

“Nakakainis ka, Josh! Ginising mo ako!” nakasimangot na sabi niya kay Josh.

Bigla ay para akong natawa sa itsura niya. Ang cute niya. Hahahah!

“Hmp! Bahala kayo diyan! Mag-uuwian na.” pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak kanina ni Jes. Inilapat ko yun sa pisngi ko at ang lamig. Tsk! Napatingin na lang din ako sa labas at dun ko napagtantong umuulan pala.

“Pasensya na, di kita nagising. Nakatulog din kasi ako.” sabi niya.

“Okay lang. Ginising nga tayo ng best friend ko eh.” napapatawang sabi ko.

“Tsk! Ang savage niya. Hinampas-hampas ako ng notebook. Ang sakit tuloy ng braso ko.” parang nagsusumbong na sabi niya at hinimas-himas pa ang braso niya kaya naman napatawa ulit ako.

“Tss. Patingin nga.”

Inabot niya ang braso niya sakin at nakita kong namumula yun. Napailing na lang ako sa ginawa ng kaibigan ko. Hay. Minasahe ko yun para mawala ang sakit. Tsk! Ang payat talaga eh. Paano ko ba nagustuhan ang lalaking ito? Samantalang mas mahilig ako sa mga gwapo, matcho. Oo, yung may muscle at may abs. Hahahaha!

“Masakit pa ba?” tanong ko at umiling naman siya.

Tumingin ako sa relo ko. Limang minuto na lang at uwian na. Napatingin ulit ako sa labas at malakas ang ulan. Buti na lang may payong ako.

“Alam mo, nasisiyahan ako lagi kapag umuulan.” sabi niya.

“Huh? Anong masaya dun? Nakakainis kaya lalo na kapag wala kang payong at malayo ang bahay.” nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

Napatawa naman siya. Espesyal kasi ang ulan para sakin.”

“Bakit naman?”

“Dahil kasi sa ulan na yan, nakilala ko siya.” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin. “Pero hindi ko alam kung naaalala pa niya ang bagay na yun at yung nangyari nun.”

Sa totoo lang hindi na ako interesado sa kinikwento niya. Parang tinutusok ang puso ko dahil dun. Grabe... Feeling ko nasasaktan ako. Hay.

Buti na lang at nagtayuan na ang mga kaklase ko hudyat na magdadasal na pagkatapos ay uwian na.

Hindi na kami nakapagpaalam ni Jes sa isa't isa dahil nauna na sila ni kuya David lumabas. Hindi ko rin makakasabay ang mga kaibigan ko ngayon. Naalala ko, may pinapabili nga pala sakin si mama. Hmp!

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now