Chapter 47 - Again and Again

61 4 0
                                    

Angela Kirsten's POV

Yukom na yukom ang kamao ko habang nakatingin sa kanilang dalawa, kina Jes at Demi. Kita ko ang paglapat ng labi nila sa isa't isa dahilan para lalo kong maramdaman ang galit na nararamdaman ko.

Ako dapat yun! Ako dapat yung hinahalikan ni Jes ngayon. Ako dapat dahil sakin naman talaga si Jes!

‘Ako ang unang nagmahal sa kaniya kaya dapat sakin lang siya!’

Hindi ko kinakaya ang galit na nararamdaman ko kaya naman susugod na sana ako sa kanilang dalawa pero pinigilan ako ni Reign. Masama ko siyang tinignan at magsasalita na sana pero inunahan niya ako.

“Calm down, Angela. Huwag kang padalos dalos.” sabi niya sakin.

Tinabig ko ang kamay niya. Naiinis ako sa nakikita ko. Dinig na dinig ko ang boses nilang dalawa na lalong nagpapadurog sa puso ko. Pero mas pinupuno talaga ako ng galit ko at kapag hindi ako nakapagpigil, baka makalimutan ko ang tunay na pakay namin dito.

‘Ang kwintas pa rin.’

Dapat ko ng makuha ang kwintas na yun. Dahil kapag nangyari yun, kami na ang mamumuno sa buong organisasyon. Pero sa nangyayari at nakikita ko, gustong-gusto kong mapatay si Demi!

“Let's go, Reign.” sabi ko sa kaniya at sinundan namin sila.

“Angela, huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ni Tito, please. Gawin na natin yung inuutos niya habang wala pa si Demi sa kanila. At hindi pwedeng malaman ni Demi ang anumang ginagawa natin ngayon.” paalala nito sakin.

“I know what I'm doing, Reign. Hindi magagalit si Daddy.” sabi ko sa kaniya.

Sinundan namin ni Reign sina Jes at Demi papunta sa kanilang bahay. Ingat na ingat kami ni Reign sa pagsunod sa dalawa dahil konting ingay lang at lagot na. As much as I want to kill her, lagi na lang nandyan si Jes para iligtas niya.

‘Poor Demi. Hindi niya alam ang totoong estado ng kaniyang buhay.

Nagtago kami sa medyo malayong lugar kung saan malayo sa bahay nina Demi. Hindi na namin naririnig pa ang usapan ng dalawa pero nagseselos ako dahil mukhang ayos na ayos sila.

“I should've kill her!” pigil ng galit na sabi ko.

“Not now, Angela. Marami ka pang dapat gawin bago mangyari yan.” sabi niya.

“I know. Let's go.” sabi ko nang makitang nakaalis na si Jes.

Kailangan ko ng makuha ang pakay ko dito bago pa kami mahuli ng mga nagbabantay kay Demi. Agad kaming humanap ng daan para makaakyat sa kwarto ni Demi at hindi naman kami nabigo dahil dun. Sinigurado ko na walang pipigil samin ngayon at kung meron man, hindi namin sila aatrasan.

Nakapasok na rin kami sa kwarto ni Demi. Pinabantayan ko ang pintuan ng kwarto nito kay Reign kung sakaling pupunta na si Demi dito. Dali-dali kong binuksan ang mga drawer niya.

Bilisan mo ng konti, Angela habang nag-uusap pa sila ng Mama niya.” mahinang sabi ni Reign pero hindi ko na sinagot.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap. Hinalwat ko ang cabinet niya pero wala akong nakitang kwintas. Pumunta naman ako sa study table niya at sinubukan ding buksan ang drawer dun pero nakalock yun.

‘Damn..’

Agad akong gumawa ng paraan upang mabuksan yun. Kinuha ko ng hairpin na nasa buhok ko at yun ang ginamit na susi dito sa drawer na ito. Ilang sigundo lang ay nabuksan ko rin ito. Pinagbubuklat ko lahat ng nasa loob nito. Binuksan ko ang mga kahon na pwedeng paglagyan ng kwintas pero bigo akong makita ito.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now