Chapter 12 - Day 27

81 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Happy Weekends!

Hays. Dalawang araw na naman na walang pasok kaya paniguradong mababagot na naman ako dito sa bahay. Tinatamad akong bumangon at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na ako at nagpunta sa dining area.

“Good morning, Ma.” lapit ko kay mama at hinalikan siya sa pisngi. “Tulog pa yung dalawa?” tanong ko.

“Oo. Nagpuyat kasi kakapanood ng tv.” sagot ni mama.

Sa aming tatlong magkakapatid, yung dalawa kong kapatid ang mahilig manood ng tv lalo na si Lian. Samantalang ako sa cellphone lang ako nakatutok.

Pinaghanda na ako ni mama ng pagkain kaya nag-umpisa na kaming kumain.

“Ma? Sa tingin mo, nasaan kaya si Papa?” wala sa sariling tanong ko.

Nakita kong napatigil siya sa pagkain. Ang totoo niyan, gusto ko talagang malaman kung nasaan si papa. Pero hindi ko naman alam kung paano siya hahanapin. Naalala ko tuloy nung bigla niya kaming iwan ng hindi ko naman alam kung anong dahilan maliban sa mga narinig ko. Limang taon na ang nakalilipas.

~F L A S H B A C K~

Nandito kaming tatlong magkakapatid sa isang kwarto. Kaming dalawa ni Lian ay umiiyak samantalang si Miara naman ay parang hindi alam kung anong nangyayari sa paligid niya.

“Ate, b-bakit nag-aaway sila mama at papa?” tanong niya.

“I don't know. I really don't know, Lian.” naiiyak na sabi ko.

Mula dito sa loob ng kwarto ay dinig na dinig ko pa rin ang boses nina Papa at Mama.

“Ayoko na! Sawang sawa na ako sa kasinungalingan mong hayop ka!”

“Please, mahal ko! Patawarin mo na ako---”

Patawarin? Sa tingin mo ba mapapatawad kita? Paulit-ulit na lang tayo, Rod! Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa mga anak natin!”

Itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Please, huwag mo lang akong iwan.”

“No! Lumayas ka na dito. Sumama ka dun sa babae mo! Magsama kayong mga hayop kayo!”

Para akong nanghina. Sa mura kong edad at yung mga narinig ko. Hindi naman ganito mag-away si mama at papa. Ngayon ko lang sila narinig na nag-away ng ganito. Nag-away sila dahil sa babae. Pero hindi ko naman alam kung anong nangyari kung bakit kaya hindi ko din kayang magalit kay papa.

“I hate Papa from now! Mama don't deserve to be hurt.” galit na sabi ni Lian.

Anim na taon pa lamang siya at nakikita kong mas mature ang isip niya kaya alam at naiintindihan niya kung anong nangyayari.

“Lian, don't say that. Hindi natin alam ang nangyari kaya huwag kang magsalita ng ganyan. Papa pa rin natin siya.” mahinahong sabi ko sa kaniya.

“No. I still hate him. Hindi mo lang alam ate Dami kung anong nangyayari sa kanilang dalawa kapag wala ka.”

“W-what do you mean?”

Sinasaktan niya si mama!” biglang sigaw niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabigla ako pero hindi ko maramdaman kung galit ba ako.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon