Chapter 18 - Feelings

59 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang araw na lang at exam na. Kaya ito, todo review kami. Hindi na masyadong nagpapasulat ang subject teacher namin dahil nga puro review. Minsan nakakatamad ding makinig.

'Tss. Ugali mo naman yan!'

Napasimangot na lang ako sa sarili kong naisip. Nakikinig naman ako sa klase eh. Lately lang ako tinamad. Napapadalas na kasi ang pagiging antukin ko dito sa school sa kadahilanang palaging puyat. Adik kasi sa kawawattpad. Hehehe.

At dahil nasa likod ko nga lang ang upuan ni kuya David, tumabi na naman ulit sakin si Jes. Tsk! Simpleng pagtabi pa lang niya, ayun na yung puso kong kumakabog. Iba na talaga ang epekto niya sakin. Parang hindi ko na ito mapipigilan pa.

"Zaine." tawag niya sakin kaya napalingon naman ako.

"Bakit?"

"Wala lang."

Napa-tsk na lang ako sa kaniya pero sa loob-loob ko ay napapangiti ako. Hindi niya nakakalimutan na mapansin ako. Pero sinusungitan ko siya ngayon dahil inaantok nga ako. Pero dahil makulit nga siya, ayun... sinusundot niya na naman ang bewang ko dahilan para mapaigtad ako.

"Bakit ba?" inis kong tanong sa kaniya.

"Pahiram earphone." parang batang sabi niya.

'Tss. Manghihiram lang, kailangan pang mangiliti??'

Tsk. Nasaan nga ba ang earphone ko? Nakalimutan ko pa yata sa bahay.

"Nasa bahay. Puntahan mo." sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

"Tsaka na lang ako pupunta sa bahay niyo 'pag liligawan na kita."

What the hell?! Anong sinasabi niya? Bakit niya sinasabi yun!! Ayoko nitoooooo! Gulat akong napatingin sa kaniya at yun siya, seryosong nakatingin sakin. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya pero gusto kong mapaniwalaan. Argh! Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

"A-anong sabi mo?" utal kong tanong.

"Tss. Hindi inuulit ang nasabi na, Zaine. Pahiram ngang earphone." seryoso pa ring sabi niya.

"Tsk! Huwag ka kasing magbiro ng ganun!"

"Anong biro dun? Seryoso ako."

"Huwag mo na lang sabihin kung hindi mo kayang panindigan." bulong ko, pero hindi ko alam kung narinig niya.

"Tsk! Pero kung biro sa tingin mo yun, edi huwag na lang natin seryusohin ang biro."

Napantig naman ang tenga ko dahil dun. Biglang para akong nakaramdam ng panlulumo dahil sa sinabi niyang iyon. Yun din ang sinabi ko sa kaniya nung isang araw sa 7/11. Parang nakakapanghinayang na binawi niya pa yun. At nakakapagtaka dahil ganito ang aking inaasta. Hindi ako sigurado sa aking nararamdaman pero, alam ko ang ibig sabihin nito. Hindi ako manhid para hindi maramdaman ito.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now