Chapter 56 - Regrets

66 4 0
                                    

Jes Revan's POV

Gusto kong lumapit sa kaniya at punasan ang luha niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na binabawi ko ang mga salitang sinabi ko sa kaniya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil nasaktan ko na naman ang taong mahal ko. Gusto kong isigaw sa mundo kung gaano ako nagsisisi na sinabi ko sa kaniya yun. Gustong-gusto ng tumulo ng luha mula sa mata ko dahil sa nakikita kong kalagayan niya ngayon dahil sakin. Gusto kong patayin ang sarili ko dahil sa mga masasakit na salitang yun.

Pero hindi pwede. Kailangan ko itong tiiisin. Kailangan kong pigilin ang pagtulo ng luha ko. Kailangan kong mawalan ng paki sa kaniya. Kailangan kong ipakitang pinaglaruan ko lang siya. Dahil sa mga sandaling ito, dapat lang siyang magalit sakin. Tatanggapin ko ang galit na yun.

‘Because that's what I deserve..’

Nakaupo pa rin siya sa sahig habang nakatungo at umiiyak dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. Kuyom na kuyom na ang kamao ko sa mga sandaling ito.  Ni hindi ko siya magawang tignan ng maayos dahil nasasaktan ako ng sobra. Nagsisisi ako pero wala ng magagawa yung pagsisisi ko. Nandyan na eh..

Lumabas na ako ng classroom at pumunta kung saan walang makakakita sakin. Ramdam ko naman na nakasunod sakin si Angela pero hinayaan ko na lang.

‘She's my girlfriend after all. Tsk. Tanginang girlfriend yan!’

Napatungo na lang ako sa isang pader at hinayaang tumulo ang luha ko. Gusto kong magsisigaw pero pinipigilan ko. Tangina talaga! Handa na akong isuntok ang kamay ko sa pader ng biglang may pumigil dun.

“Hey, stop it, Jes! Don't hurt yourself just because you hurt Demi's feelings!” sabi niya sakin.

Agad ko namang inagaw ang kamay ko at galit na tumingin sa kaniya. “Are you happy now? I already hurt her feelings! I already hurt her! Happy?!” pagalit na tanong ko.

“I don't care about her feelings right now. She deserves it. Huwag na huwag mong kalilimutan kung anong meron tayo ngayon, Jes.” sabi niya sakin.

Napatawa naman ako ng mapakla dahil sa sinabi niyang yun.Pinagsisisihan ko kung anong meron tayo, Angela. Na dapat hindi ito yung ginawa kong desisyon para lumayo na siya sakin. Tangina!” madiin kong sabi sa kaniya.

“Tama lang yung ginawa mo, Jes. Whether you like it or not, you can't escape from this anymore. You're mine now, Jes. Already mine.” sabi niya sakin.

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Lumapit ako sa kaniya ng sobrang lapit. Galit na galit ko siyang tinignan.

“I will never be yours, Angela. Never.

Matapos nun ay nilagpasan ko na siya. Wala ng magagawa itong pagsisisi ko. Nandito na ito. Hindi ko na alam kung mapapatawad pa ako ng taong mahal ko.

Gulong-gulo ako hanggang makauwi ako ng bahay namin. Napaupo na lang ako sa sofa at hinayaan na lang ulit na tumulo ang luha ko.

‘Ito ang pinakapinagsisisihan kong desisyon sa buhay ko... kahit kapalit pa nun ay ang kaligtasan niya.’

Hindi ko ito ginusto pero kailangan ko. Yun lang ang tanging paraan para lumayo na siya sakin at maprotektahan siya. Kung ano mang galit ang maipaparamdam niya sakin, tatanggapin ko. Sobrang nasaktan ako dahil nasaktan ko na naman siya, ng mas sobra pa.

“Son..”

Napatingin na lang ako kay Mom na siyang tumawag at papalapit sakin.

“Mom.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now