Chapter 39 - Confession

60 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako. Hindi ko matanggap na aalis na siya ng school na ito. Siguradong next school year na yun. Mabilis lang ang araw at baka hindi ko matanggap na wala siya. Mahal ko na si Jes. Mahal na mahal.

‘Kung aaminin ko ba sa kaniya ang nararamdaman ko, aalis pa rin kaya siya?’

Pero ang tanong, may paki ba siya dun sa nararamdaman ko?

‘Kung nakakasama ko lang sana sina Nashi...’

Sila ang makakatulong sakin pero naglalayo na talaga ang landas namin. Hindi na kami kagaya ng dati. Oo, hindi ko pa rin pinapansin si Nashi pero mukhang wala lang sa kaniya yun. Namimiss ko na sila. May kaniya-kaniya na kasi kaming kaibigan. Naglalayo na ang landas namin. Hindi na kagaya ng dati na kaming apat lang.

“Hey, tol. Okay ka lang?” tanong ni Airish.

Katabi ko siya ngayon dahil kagroup ko siya sa isang activity. Imbis na nakikicooperate ako sa kagrupo ko, nakaupo lang ako habang nakatingin sa kanila. Wala ako sa mood maging masaya dahil nalulungkot ako at naiiyak.

“No.” maikling sagot ko.

“Tss. Hindi ko na kailangang itanong pa kung sino ang dahilan dahil isang tao lang naman yun.”

“Nasasaktan na talaga ako.” sabi ko at tumayo.

Agad akong nagpaalam sa teacher na magsi-cr ako. Pagkapasok ko sa bayo ay nilock ko agad yun. Dun na sunod-sunod na bumagsak ang luha ko at mahina na lang akong napahikbi. Para akong hindi makahinga. Nasasaktan ako. Napatigil lang ako sa pag-iyak ng sunod-sunod ang pagkatok sa pinto ng banyo. Agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Gulat akong napaatras nang makita ang nasa harapan ko. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya. Pinilit kong ikalma ang sarili mo.

“Hmm, Jes.” mahinang sabi ko.

“Bakit ka umiiyak?” tanong niya dahilan para matigilan ako.

Peke akong tumawa bago siya sagutin. “Ako? Hindi naman ako umiiyak ah. Hahaha.” sabi ko.

Blangko siyang tumingin sakin at hindi siya umimik. Unti-unti na akong nakaramdam ng ilang kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ilang sigundo rin kaming nasa ganung posisyon at walang umiimik saming dalawa.

‘Bakit ba ganito? Kapag wala siya sa tabi ko, nasasaktan ako. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, bigla na lang naglalaho yung sakit na nararamdaman ko. Bakit ba ang rupok ko pagdating sayo?’

Hanggang sa ako na ang bumasag ng aming katahimikan. “A-Ah. Magsi-cr ka ba? L-Lalabas na ako.” sabi ko at lalabas na sana nang bigla niyang hilahin ang braso ko pabalik sa banyo.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan at isa lang ang nasisiguro ko. Kami na namang dalawa ang nandito.

Putek naman! Bakit sa lahat ng lugar, sa banyo pa kami nagkakasama nang kaming dalawa lang?!’

Gulat akong napatingin sa kaniya. “W-Wait lang. Lalabas na ako.” sabi ko.

“Bakit? Bakit ka umiiyak?”

Dahil sa tanong niyang yun, bumalik na naman yung sakit na nararamdaman ko. Ito nga't nasa harapan ko ang taong dahilan kung bakit ako nasasaktan. Napatingala na lang ako dahil sa nagbabadyang pagpatak ng luha ko.

“Wala. Wala ka namang magagawa eh.” sabi ko at mapait na ngumiti sa kaniya.

“Meron. Diba sabi ko sayo noon, nandito lang ako lagi sa tabi mo.” nag-aalalang sabi niya na lalo lang nagpaiyak sakin.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now