Chapter 42 - Lie

58 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang araw na ang nakalipas at December na. Hindi ko akalain na isang linggo pala akong tulog sa hospital at yun daw ay dahil sa lason. Sabi ni Gab, kailangan ko daw mag-ingat kahit saan. Nasa paligid-ligid lang daw ang kalaban. Naguguluhan man ako ay wala naman akong nagawa. Siguro dahil pa rin ito kay Papa at sa kwintas. Si Mama naman, batid kong may nalalaman din siya pero hindi niya sinasabi sakin.

'Bakit ba pakiramdam ko, lahat ng nakapaligid sakin, lahat ng taong malalapit sakin, may tinatago sila sakin?'

At si Jes...

Sigurado ako... Sigurado ako na bago ako mawalan ng malay, narinig ko yung boses niya. Narinig ko yung pagtawag niya sakin ng 'Zaine'. Nung nagising ako sa hospital, siya ang hinanap-hanap ko. Alam kong nandun siya, pero sabi ni Gab...

"Ano bang pinagsasabi mo, baby sis? Wala si Jes dun. Kami ang nagligtas sayo. Atsaka wala naman siyang alam na mga ganito. Guni-guni mo lang yun!"

Ayaw kong paniwalaan ang sinabi niyang yun. Padalwang beses na ito nangyari. Una, nung nahimatay ako. Malinaw na malinaw sakin na siya yung sumalo sakin. Pero sabi ni Gab, siya daw yun. Tapos yung ngayon nga.

At siyempre, yung panaginip ko. Hindi ko malimutan yun. Malinaw na malinaw ang panaginip ko maliban sa mukha ng lalaking kaharap ko. Pero iba ang pakiramdam ko mula nun.

'Bakit parang si Jes yun?'

Pero imposible. Kasi nung una naming pagkikita, hindi naman kami magkakilala. Hays naguguluhan ako.

Ang hirap ng ginagalawan kong mundo.

Napabuntong hininga na lang ako at isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Parang balik na ulit sa dati. Pilit na kakalimutan ang insidenteng yun dahil sabi sakin ni Gab, sila na daw ang bahala dun kaya wala daw akong dapat ipag-alala. Hindi man daw namin nakikita, pero maraming nakabantay at nakapalibot sa bahay namin para pumrotekta samin. Hays.

"Ma, alis na po ako." sabi ko kay Mama at hinalikan siya sa pisngi.

"Hmm, ingat ka anak." sabi naman ni Mama at hinawakan ang kamay kong nababalutan pa ng benda.

Tumango lang ako at tumalikod na. Nakasunod naman sakin ang dalawa kong kapatid pero gaya ng sabi ko, parang iba talaga si Lian.

Matapos ang ilang minutong byahe ay nakarating na ako sa school. Agad akong sinalubong nina Nashi ng yakap.

"Hays. Buti naman at nakapasok ka na." sabi niya sakin.

Pilit akong ngumiti. "Oo nga eh." sabi ko.

"Tss. Bakit kasi umalis ka ng Pilipinas ng walang paalam?" inis na sabi ni Josh na kinabigla ko.

Kunot noo ko naman silang tinignan. Ano... hindi ba nila alam...

"Wala man lang ba kaming pasalubong dyan??" tanong pa ni Alvia.

Nagtatanong ang mata kong nakatingin kay Nashi at may sinenyas naman siya sakin na agad kong na-gets.

"A-Ah... Hehe." nasabi ko na lang at napakamot ang ulo.

Biglang kinuha ni Josh ang dalawa kong kamay kaya naman nakita nilang may benda ito. Nakatago kasi kanina ang kamay ko kaya hindi nila agad itong napansin.

"Babaita ka, anong nangyari sa kamay mo?" wirdong tanong nito.

"Tss. Dahil yan sa ginawa sa pinuntahan niya." sabi ni Nashi na sinunudan pa ng tawa, na batid kong peke naman.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now