Chapter 53 - Celebration (Part 2)

60 4 0
                                    

Jes Revan's POV

After ng Christmas, here, we are celebrating again. Sasalubungin namin ulit ng masaya ang Bagong Taon. Ang bilis talaga ng panahon. Kapag bagong taon, bagong buhay na rin pero hindi ko pinanghahawakan ang katagang yun. Kasi anytime, pwede mo naman baguhin yung sarili mo. Hindi yung hihintayin mo pa ang bagong taon para lang magbago. Hehe. Pero hindi ko babaguhin ang sarili ko. Kung ano ako ngayon, mananatili ito. Kasi itong katauhang ito ang nakilala ng taong mahal ko.

Kanina pa akong nakahiga sa kama ko at hinihintay na lang ang bagong taon habang nakatingin sa picture ni Zaine na nasa cellphone ko. Namimiss ko na siya. Pero hanggang miss lang ako kasi hindi ko siya pwedeng makita o puntahan. Baka yun pa ang maging dahilan para mapahamak siya.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko kaya bumangon ako at dumeretso dun. Binuksan ko yun at si Ate Jacky ang bumungad sakin.

“Can we talk?” tanong niya.

“Of course, ate. Pasok ka.” sabi ko at pinapasok siya.

Dumeretso kami sa balkonahe. Ano kayang pag-uusapan namin?

“Na-curious ako about dun sa inyo ni Demi. Kung ano yung reason na yun. Hindi ako mapakali nun. You know that when it comes to a something, I'm always curious. That's why I asked Dad about that. Nung una, ayaw pa niyang sabihin pero dahil nga mapilit ako, sinabi niya rin. I'm so sad for the both of you. Napakabata niyo pa para maranasan ang ganyang buhay.” sabi ni Ate.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Ate. Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya bago magsalita.

“Saming dalawa ni Zaine, alam kong siya yung mas nahihirapan at kasalanan ko yun, Ate. Nagmukha akong paasa sa paningin niya. Hindi ko naman yun ginusto eh. Hindi ko naman sinasadyang malaman din ang mga bagay na ito dahilan para kailangan ko siyang layuan. Sana hindi na lang ganito ang buhay namin. Para naman malaya kaming nagmamahalan. Pero wala akong magawa para saming dalawa eh. Ang tangi ko lang magagawa, maghintay. Maghintay ng tamang panahon para saming dalawa...”

Alam kong mahirap ito pero kakayanin ko. Bago pa lang ako sa organisasyon. Marami pa akong malalaman. Malalagpasan din namin ito ni Zaine.

Naramdaman kong bising na yumakap mula sakin at si Ate Jacky yun. Naririnig ko ang pagsinghot singhot niya, umiiyak siya. Napayakap na lang din ako sa kaniya. Nagpapasalamat ako dahil may kapatid akong katulad nila.

“Don't worry, brother. I know everything will be okay. Tiwala lang, ha? Tiwala lang.” sabi niya at tinapik tapik pa ang likod ko.

Tatango-tango na lang akong kumalas ng pagkakayakap sa kaniya. “Kakayanin namin ito, Ate.” sabi ko.

Makakaya din namin itong lagpasan. Pagsubok lang ito. Sisigiraduhin kong balang araw, wala ng makakapigil samin. Pinapangako ko sa sarili ko, babawi ako kay Zaine. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang dating kami.

‘I miss her. I want to see her...’

“Do you want to see her?” tanong ni ate.

Malungkot naman akong umiwas ng tingin sa kaniya. “As much as I want to see her, I can't. Masyadong delikado.” sabi ko.

Napabuntong hininga na lang si ate. Bakit ba kasi ang hina kong tao? Hindi ko man lang maprotektahan ang taong mahal ko gamit ang sarili kong kamay. Bakit kasi kailangan ko pa ng ibang tao para maging ligtas siya?

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now