Chapter 51 - Missing Each Other

68 6 1
                                    

Jes Revan's POV

Nakaupo ako dito sa balkonahe habang nakatitig sa papalubog na araw. Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin na dumidikit sa balat ko. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas pero ramdam na ramdam ko na agad ang pag-iisa ko. Gusto ko mang puntahan siya, hindi pwede. Namimiss ko na si Zaine. Gusto kong mayakap ulit siya kagaya nung pagyakap ko sa kaniya nung Christmas Party namin. Napangiti na lang ako ng maaalala ang regalo niya saking scarf.

‘Namimiss niya rin kaya ako?’

Hindi imposibleng mamiss ako nun, love ako nun eh. Kaso may doubt kasi sinabi ko nga sa kaniyang mahal ko siya, hinalikan ko siya, pero hindi ko naman pinapakita na mahal ko nga siya. At ang tanga ko sa parteng yun.

“Thinking about her, again?”

Napalingon ako kay Dad na siyang nagsalita. Nakatayo siya habang nakasandal sa sliding door ng kwarto ko at may dalang tasa ng kape, at isang envelope.

Lagi ko naman siyang iniisip, Dad. But I know my limitations.” sabi ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Lumapit sakin si Dad at umupo sa harap ko. “I'm sorry son for putting you in this mess.” sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako. “It's okay, Dad. Ito naman talaga yung kapalaran ko kasi ito ang buhay natin eh.”

Sandaling katahimikan ang pumaloob samin ng ama ko. May alam ako sa buhay ni Zaine pero hindi ang buong-buo. Basta ang alam ko, hindi talaga pangkaraniwang ang buhay niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw ipaalam sakin ni Dad ang lahat. Napapaisip na lang ako, siguro kung hindi ako/kami kasama sa organisasyon ng Mafia's, baka lalong magkalayo kami ni Zaine. Basta ang alam ko, kabilang din si Zaine dun pero hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung paano.. Hays.

“I know how much you love Demi Zaine una pa lamang niyong pagkikita. At alam ko ring nahihirapan kayong pareho. Nasasaktan niyo ang isa't isa dahil sa mundong ginagalawan niyo. And I'm sorry Jes kung wala pa akong magawa sa ngayon para maging maayos ang lahat. Demi is still in danger. She has a dangerous life that no one wants to experience. Kaya yung sinabi ko sayo, hanggang dun lang muna, anak. Dahil wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang buong kwento niya.sabi ni Dad.

Hindi ako umimik at hinayaan lang magsalita si Dad.

“Nung nasa Water Park tayo, nagpanggap akong hindi ko kilala si Zaine but the truth is I already know her because her father is my best friend.” napatingin ako kay Dad nang naging mapait ang pagngiti niya. “Nakakalungkot lang dahil kinailangan niyang iwan ang pamilya niya para malayo sa kapahamakan ang mga ito pero sa huli ay naging mapanganib pa rin, lalo na si Demi Zaine.” sabi pa niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa kwento sakin ni Dad. Alam kong mahirap para kay Zaine na wala ang Papa niya. Naaalala ko pa nung unang araw na nakilala ko siya. Siguro yun yung araw na umalis ang Papa niya nung nakita ko siyang umiiyak nun.

“I know Zaine, Dad. Kakayanin niya lahat ng pagsubok na dumadating sa kaniya.” sabi ko at ngumiti.

Ngumiti naman pabalik sakin si Dad. “Yeah. Demi Zaine is like her father.” sabi ni Dad. “At alam kong kakayanin mo rin ang pagsubok na ito, anak.” sabi pa niya.

Kung may isang bagay man akong hinahangaan kay Dad, yun ay yung palaging pagpapalakas niya ng loob sakin. He's the best man for me. Lagi siyang nandyan para samin at nagpapasalamat ako dun. He's my inspiration sa pagmamahal ko kay Zaine.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon