Chapter 38 - Him

61 4 0
                                    

A/N: Hi guys! So, thank you po sa mga patuloy na nagbabasa. I just want to say na hindi po ako sigurado kung kailan ako makakapag-update kasi nagiging busy na ako sa school. Depende po kung once a week lang ako mag-a-update. Thank you!

Demi Zaine's POV

Malakas akong napabuntong hininga bago pumasok ng classroom. Simula ngayon, titigilan ko na ang pag-aassume ko. Pipilitin kong maging masaya para sa sarili ko. Hahayaan ko na muna ang nararamdaman ko. Oo, umaasa ako pero sana mawala din ito. Kasi ayokong masaktan ng sobra.

Umupo ako sa upuan ko at napatingin ako sa kaniya.

‘He's so happy without me. Pero ako, hindi ko kayang maging masaya nang wala siya.’

Pero di bale, pipilitin kong maging masaya para sa sarili ko. Tama na yung isa o dalawang beses na iyak ko dahil sa kaniya. Ayokong mangyari na naman ang nangyari sakin noon ng dahil sa sobrang pagmamahal na yan. Pero sana ay huwag din akong maging marupok pagdating sa kaniya.

‘Sana talaga...’

Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko at nag-umpisang makinig ng music saka tumayo. Lumabas ako sa classroom habang sinasabayan ang kanta at nakasalubong ko pa si tol Airish at President Kristine.

“Hi, tol! Hi, Pres!” masayang bati ko sa kanila.

“Wews. Ang saya mo ngayon ah. May nangyari ba?” tanong ni President.

Hahaha. Kung alam lang niya na hindi talaga ito tunay na saya.

“Hahaha! Wala naman. Good mood lang.” sabi ko.

“Tss. Huwag mong piliting maging masaya kung hindi mo naman talaga kaya. Kilala kita, Demi.” singit naman ni tol at nilagpasan kami ni President.

Napanguso na lang ako na napatingin kay President na nagtatakang sinundan ng tingin si Airish. Hays. Halos lahat ng kaibigan ko, alam na alam ang galawan ko.

“Anong nangyari dun?” tanong niya pero nagkibit balikat lang ako. “Ikaw kasi eh, tama naman si Airish. Kung hindi ka talaga masaya, huwag mong pilitin. But sometimes, you need to smile to hide the pains you feel. Magiging okay din ang lahat. Basta ba mag move on ka na sa kaniya.” sabi pa niya.

Hindi na lang ako sumagot dun at umalis na siya sa harapan ko. May point naman si President. Pero dahil alam kong marupok ako, ewan ko na lang. Sinasaktan ko lang talaga ang sarili ko. Hays.

Napabuntong hininga na lang ako at pilit na ngumiti habang kumakausap sa mga kaklase ko. Tawa dito, tawa doon. Trip kong mag-ingay ngayong umaga eh. Wala na kayo dun. Hahaha. Basta ba kahit hindi ito tunay na saya, mahalaga ay nakakaramdam pa rin ako ng saya. Kung siya, nababalewa ako. Ako, hindi ko kaya. Pero kaya kong magpanggap na masaya para hindi halatang apektado ako sa hindi pagpansin niya sakin. Tsk. Pinapansin naman niya ako, hindi na nga lang kagaya nung dati. Hays.

“Hey, Dems.” tawag sakin ni Aleina at lumapit.

“Hmm? Bakit?” nakangiting tanong ko.

“Ang saya mo ngayon. Ano bang meron?” tanong niya.

“Hmm. Something like hiding my pain.” sabi ko.

“Dems, mahirap yan. Pero wala ka bang napapansin?”

Napakunot noo naman ako. “Anong napapansin?” tanong ko.

“Hays. Sinusobrahan mo naman yatang maging masaya kaya hindi mo napapansin na kanina pang nakatingin sayo yung taong mahal mo.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now