Chapter 58 - Who is C?

64 5 0
                                    

~ang hirap pag nagloloko ang cellphone parang jowa mo. HAHAHAHAH! hindi kasi ako makapagtype ng ayos ngayon eyy.. pasensya na readeeeeers and happy reading!<3

Demi Zaine's POV

Nandito kaming lahat sa classroom dahil sa isang announcement. Base sa pagkakasabi ni Kristine na aming President, magkakaroon kami ng Closing Party para sa section na ito. Suggest din naman yun ng iba at sumang-ayon din ang iba. Matapos ng open forum nung nakaraan, ngayon naman ay closing party.

Pero kahit ganun, hindi ko maramdaman ang saya. Ganito lang ako. Nakaupo malapit sa may bintana at tulala. Masyadong malaki ang epekto sakin ni Jes kaya ako nagkakaganito. Gustuhin ko man siyang alisin sa sistema ko ay hindi ko magawa...

“Any suggestion, guys?? Para sa gagawin natin for closing party?” tanong ni Kristine sa klase.

Nakita kong tumaas ng kamay ang isang kaklase namin. “Suggest ko na magkaroon tayo ng sweet dance.” sabi niya.

Karamihan sa mga klase ay nagsipagsang-ayunan. Ilang araw na lang at matatapos na ang taon para sa pag-aaral namin ng Grade 9. Ang dami kong naranasan sa section na ito. Kung pwede ko lang sana ibalik yung nakaraan kung saan masayang-masaya ako. Hindi yung ganito.

“Demi Zaine Dela Cruz daw.”

Napatingin ako sa bumanggit ng pangalan ko. Nagtatanong ko siyang tinignan.

“Suggestion lang na kung pwede ikaw ang maging partner sa sweet dance ni Jes.”

Kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya lalo na nung nagkantyawan ang lahat.

“Seriously?” tanong ko kaya natigilan ang lahat.

Matapos nilang matuklasan ang nangyari nung araw na pinahiya ako ni Jes sa klase, gusto pa nilang maging partner kami? Tsk!

“Suggest lang naman..”

“Hindi ako sang-ayon dun. Nandyan yung girlfriend niya. Ayaw niyo naman sigurong magkaroon ng rambulan dito sa section na'to?” seryosong sabi ko sa kanila at tinignan ang dalawang yun.

“Angela is not my girlfriend.” agad na sabi ni Jes.

Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.

“I'm not his girlfriend...” sabi naman ni Angela.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi nilang dalawa. Tangina, ano ito?! Inis ko silang tinignan.

“Alam niyo kayong dalawa? Tangina niyo!” malutong na mura ko sa kanila.

“Ohh..” ilang sabi ng mga kaklase ko.

Nakakainis kasi! Hindi ko alam yung mararamdaman ko dahil sa sinabi ng mga ito. Hindi pwede ito. Ayokong maramdaman kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.

“Curse me if that's the only way for you to forgive me, Zaine. I'll accept that.” sabi ni Jes sakin habang seryosong nakatingin.

Naiwas ko naman ang tingin ko sa kaniya ng makaramdam ako ng parang kuryente sa katawan ko. Para bang tumatagos yung tingin niya sakin at hindi ko kinakaya.

Mariin kong pinikit ang mata ko at mumulat ulit. Napailing akong dumeretso sa pinto ng classroom deretso labas. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko dun. Ugh! Bakit ba kasi ganito?! Napatingin na lang ako sa kaharap kong pader at may napansin akong sticky note dun. Tumingin ako sa paligid kung may tao pero wala naman. Lumapit ako dun at binasa ang nakasulat.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now