Chapter 8 - Friends?

105 6 0
                                    

Jes Revan's POV

Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang orasan ko. Takte!

Shet! Late na ako!”

Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko at dumeretso na sa banyo upang maligo. Tangna! Hindi naman ako nagpuyat para tanghaliin ng gising. Atsaka sira din ang alarm clock ko. Nakakainis! Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali din akong nagbihis at inayos ang sarili ko.

Bumaba na ako at si Ate Jessry ang napansin kong nanunood ng tv. Tsk! Wala ba siyang pasok?! At talagang nakangisi pa sakin. Inis kong nilampasan siya at lumabas na.

“Oy bunso! Hindi ka na kakain?” dinig ko pang sigaw niya pero hindi ko pinansin.

Pagkarating sa room ay naabutan kong nagtuturo na ang isang subject teacher namin kaya palihim akong pumasok dun sa pangalawang pinto. Napatingin ako kay Zaine na nakatingin sakin ng seryoso. Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood at nagtuloy-tuloy sa paglalakad pero...

*BLAAAAAG!*

Aray! Plakda!’

Napatingin ako kay Miss Lopez at ayun na ang masamang tingin niya sakin. Jusko! Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko.

“S-sorry, Ma'am. I'm late.” nahihiyang sabi ko.

“I didn't know na ang Amity section, ang tinaguriang first section ay may kabastusang tinataglay! I'm your ESP teacher and sana naisip mo na bago pumasok ay nagpakita ka muna sakin!” pasigaw na sabi niya. “Sit down!”

Nakatungo naman akong pumunta sa upuan ko. At naririnig ko ang mahihina nilang tawa. Tangna! Lumingon ako kay Zaine na siyang tumakid sakin dahilan para maplakda ako sa sahig. Nagpipigil siya ng tawa habang nakatingin sakin. Hindi lang ako napahiya eh, nasaktan yung braso ko. Tsk!

Ginagantihan mo na ako!’

“Anong nangyari? Bakit ka nalate?” mahinang tanong sakin ni kuya David

“Hindi ko alam.” sagot ko.

Wala na nga ako sa mood. Lalo pang nasira ang araw ko. Tsk! Ganun na ba siya kapikon sakin para gantihan ako ng ganun? Hindi ko nga siya inaasar ng pisikal tapos siya pa itong may gana.

‘Hindi ka lang bungangera, malupit ka!’

Sa tanang buhay ko, wala pang babae ang nagpahiya sakin. Siya pa lang! Nakakainis pero kasalanan ko naman kung bakit niya ako ginanun. Ako kasi ang nang-asar sa kaniya.

Tsk! Ang plano ko ay pasayahin siya pero ang ginagawa ko ngayon ay iniinis siya.  Maganda na rin yun kasi sakin nababaling ang atensyon niya. Hahaha! Pero nakakainis pa rin eh. Napahiya ako. Kahit na kasalanan ko pa kung bakit niya ako tinakid, naiinis talaga ako.

Matapos ang isang oras na pagtuturo ni Miss Lopez ay recess na. Pero dahil nakita kong hindi lumabas si Zaine ng room at nag-stay lang sa kinauupuan niya ay nagpaiwan na rin ako kay kuya David. In short, kami lang dalawa ni Zaine ang nandito. Hahaha! Umaayon sakin ang oras.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

“Hi, Zaine!” bati ko sa kaniya.

Napasimangot naman ako ng hindi niya ako pansinin. Pero kahit ganun ay kinausap ko pa rin siya.

“Alam mo bang ang sakit nung pagkakaplakda ko kanina sa sahig nung tinakid mo ako? Alam mo bang nasaktan yung braso ko nun?” inis na tanong ko sa kaniya.

Book 1: Love Or HateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz