Chapter 37 - Conversation

74 3 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang araw na'ng nakalipas mula nung nangyaring yun. At sa ilang araw na yun, wala kaming pansinan ni Jes. Ewan ko ba kung alam na niya. Siguro, nahalata na rin niya. Sino bang hindi mahahalata eh nagwalk out ako matapos niyang umiling. Ang sakit ng nararamdaman ko. Siguro sa susunod, mas masakit pa ang mararamdaman ko.

‘Bakit kasi sayo pa ako nagkagusto?’

Malakas akong napabuga ng hangin at bumangon sa kinahihigaan ko. Kadadating ko lang galing school at dito agad ang bagsak ko. Ni hindi ko nga pinansin ang mga kapatid ko. Basta dumeretso lang ako dito. Sobrang bigat sa pakiramdam. Hays. Gustong-gusto ko ng umamin kahit sa tingin ko ay alam ko na ang magiging sagot. Pero hindi ko kayang tanggapin. Tanggapin ang katotohanan na...

Pinakilig lang niya ako, pero hindi minahal.’

“Argh! Bakit mo pa ako pinakilig kung 'di mo lang din ako mamahalin?!” inis na tanong ko sa hangin.

Inis kong kinuha ang cellphone ko at nag-online sa facebook. Scroll lang ako ng scroll. React sa mga post. Tinignan ko yung active list at nakita kong online siya.

‘Hmp! Gusto kitang i-chat...’

Gustong-gusto ko siyang ichat. Ayokong hanggang tingin na lang ako sa kaniya dito sa active list. Paano ko ba siya makakausap? Gusto ko ng umamin pero hindi ko pa talaga kaya. Aysh, bahala na nga! Pinindot ko yung pangalan niya at nagtype ng message sa kaniya. Napahinga ako ng malalim at sinend sa kaniya yung chat ko.

*NOV 11 AT 4:58 PM*

Huy, magpapaprint ka na ba nung sa Mapeh?

May project kasi kami sa MAPEH kaya yun agad ang unang pumasok sa isip ko na ichat sa kaniya. Sana magreply siya. Sana hindi niya basta i-seen lang. Tinignan ko ulit yung cellphone ko at nakita kong typing na siya. Napakagat labi na lang ako. Hihihi.

Kelan ba kailangan un?

Sa Wednesday daw ng umaga.

Ano ba ngayon?

Monday ngayon.

Oh bukas na lang aq gagawa.

Ah okay. Ano yung sayo?

Hays. Sana tumagal ang chat namin. Hehehe.

Mamamoue.

What? Napailing na lang ako at nagtype ng irereply sa kaniya. Loko talaga ito eh.

Mamamoue?? Walang ganun bi!

Anong bi?
Bilog ang buwan?
Magagalit ang jowa q pag nabasa niya 2.

Kung meron man akong pinagsisisihan agad ngayon, yun ay ang pagtawag ko sa kaniya ng 'bi'. Hindi ko alam, na may jowa na pala siya. Dapat ba akong maniwala? Loko-loko kasi minsan si Jes eh. Pero kusa na lang tumulo ang luha ko matapos mabasa yun. Ang sakit ha.

Wahahah. Wala lang naman sakin yun.

Wala kahit meron.

Ah sa kanya meron yun...

May jowa ka pala? Yung bi kasi, tawag ko lang yun sa mga kaklase ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now