Epilogue

140 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

"With honors. Demi Zaine Dela Cruz."

Nakangiti akong tumayo mula sa kinauupuan ko at umakyat sa stage kasama sina Mama at Papa. Sinuot nila parehas sakin ang medalya at sabay na ngumiti sa camera.

Sa wakas, kumpleto na rin yung saya ko.

"Congrats, anak." sabi ni Mama sakin.

"I'm proud of you, my daughter." sabi naman ni Papa.

"Thank you, Pa, Ma." nakangiting sabi ko.

Bumalik na ako sa kinauupuan ko at niyakap ang taong mas lalo pang nagpadagdag ng saya sa buhay ko.

"Congrats, Zaine." sabi niya sakin.

Kumalas naman ako ng pagkakayakap sa kaniya. "One year na lang, senior high na tayo." sabi ko.

Hindi na ako makapaghintay na makapagtapos ng pag-aaral at ma-achieve lahat ng goal ko. Siyempre kasama ang taong mahal ko. Patuloy lang ang pagtawag sa mga with honors hanggang sa matapos yun at with high na ang kasunod.

"With high honors. Jes Revan Sandoval!"

Lahat kami ay nagsipalakpakan at nagsigawan. Napailing na lang siya na tumayo at pumunta sa stage. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato.

Matapos ang program ay nagsama-sama kaming Amity Section. Humanay kami at kinuhanan kami ng litrato.

Para sakin, isa ito sa best na section. Ang dami kong naranasan dito. Dito ko naranasan magkaroon ng marami pang mga kaibigan. Dito ko naranasan magmahal ulit dahil sa kaniya. Dito ko naranasan kung paano magmahal ulit. Dito ko rin naranasan ang masaktan ng sobra dahil sa kaniya. Lahat naranasan ko sa buong taong ito dito sa section na ito. Nandito lahat ng saya at sakit. Lahat ng naranasan ko dito, nalagpasan ko na. At ngayon, mag-uumpisa ulit ako at pupunuan ko na ng saya ang nararamdaman ko.

Gabi na ngayon at lahat kami ng buong pamilya ko ay magkakasamang nanonood ng movie. Katabi ko ngayon si Gab na inaagawan ko ng pop corn. Nakahiga naman sina Lian at Miara. Si Papa at Mama naman ay nasa kabilang sofa. Ang sweet nilang tignan.

"Ano ba?! Kumuha ka dun sa kusina ng pop corn huwag kang mang-agaw!" saway sakin ni Gab.

Napanguso naman ako. "Tinatamad ako eh!" sabi ko.

Inis naman siyang tumayo at pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang pop corn at inabot sakin. Nakangisi naman akong kinuha yun. Natutuwa talaga ako kapag inaasar ko ang kakambal ko. Hahaha.

Pinatong ko yun sa mini table at tumingin sa kaniya. "Ayaw ko pala ng pop corn." sabi ko.

Dahil dun ay sumama ang tingin niya sakin. Pero hindi na siya umimik. Tumayo si Papa at Mama kaya naman napatingin kaming lahat.

"Kids, we have an announcement." panimula ni Papa.

Matapos yun ay naghawak kamay sina Mama at Papa sabay itinaas ang kamay nila. May suot silang parehas na singsing kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti.

"Magpapakasal na kami!" sabay na sabi nila kaya naman napatalon ako sa tuwa.

Lumapit ako sa kanila at niyakap silang parehas. "Congrats sa inyo! Mahal ko kayo." sabi ko.

Lumapit naman ang mga kapatid ko at yumakap din. Ang saya na talaga ng pamilya namin. Sana ay huwag na matapos itong kasiyahan na ito.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko yun. Tumatawag si Jes. Napatingin naman ako sa kanila na nakatingin sakin. Naiilang akong napatungo.

"Si Jes po yung tumatawag.." sabi ko.

"Go, answer him." si Papa kaya naman tumango ako.

Lumabas muna ako ng bahay para dun siya sagutin. Nahihiya kasi ako kapag nandyan sina Mama at Papa. Sinagot ko na yun at napangiti agad ako nang marinig ang boses niya.

[Zaine, namimiss na kita agad.]

"Ako din, Jes.."

[Can you come outside?]

"Huh? Nandito na ako sa labas."

[Labas ka pa. Gusto kitang makita.]

Dahil dun ay agad akong lumabas ng gate ng bahay namin. Doon tumambad sakin ang gwapo niyang mukha. Napakagat labi na lang akong napangiti sa kaniya. Lumapit kami sa isa't isa. Maya-maya ay may inabot siya sakin na bulaklak. Napangiti naman akong tinanggap yun.

"Mahal na mahal kita, Zaine." sabi niya sakin.

Napatawa naman ako. "Paulit-ulit mo ng sinasabi yan." sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin at masuyong hinawakan ang pisngi ko. "Paulit-ulit ko yun sasabihin sayo at ipaparamdam sayo, mahal ko. Papatunayan ko yun hanggang sa sagutin mo rin ako. Babawi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo." sabi niya sakin.

"Mahal na mahal din kita, Jes." sabi ko at niyakap siya.

Parang wala ng papantay sa kasiyahan ko ngayon. Lahat ng challenges ay nalagpasan ko. Tumingin ako sa kalangitan at ngumiti.

'Thank you, God.'

Nagpapasalamat ako sa lahat. Alam kong hindi pa ito ang wakas. Kung ano man ang mangyayari sa buhay ko simula ngayon, malalagpasan ko rin yun kagaya ng noon.

'This is not the end. This is just the beginning.'

End of Love Or Hate<3

CrushKoSiJ13: maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng istoryang ito at sana po ay masaya din ninyong natapos ito.

Magsama-sama po ulit tayo sa Book 2 nito. Nasa works ko na po ang FIGHT OR GIVE UP. Sana po ay inyong basahin din.

Pagpasensyahan niyo na rin po kung may mali rin po sa pag-eenglish ko. Hehe. Trying hard pa rin po kasi ako talaga eyy.

Salamat din po sa ibang pangalan ng characters dahil hinayaan niyong gamitin ko ang pangalan niyo. Hehe.

And.. Merry Christmas and Happy New Year<3

Ulit po, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon