Chapter 19 - Crazy Girl

66 5 0
                                    

Gabrielle Lucio's POV

Nakaupo ako at kaharap ang aking boss. Siya ang nag-aatas sakin ng aking mga misyon na dapat kong gawin sa lalong madaling panahon. Kabilang na dun ang pagpoprotekta ko kay Demi Zaine. Napabuntong hininga na lang ako bago nagsalita.

“Maraming kalaban ang palaging nakasunod sa kaniya. Magagaling magtago ang mga iyon kaya hindi sila nahahalata. At masyadong mahina ang pakiramdam ni Demi kaya hindi niya nalalaman yun.”

‘Bakit kasi sa lahat ng pwedeng maging ex niya, yung hayop na yun pa?!’

Hindi kami mamomroblema ng ganito kung hindi lang naging 'sila'. Imbis na maayos ang lahat ngayon pero hindi. Lalong naging magulo lalo pa't ex ko din ang sinulot nung Dylan na yun! Fuck it! Imbis na dapat alam na niya na... Tsk!

“May nakita ka bang kwintas na suot niya?”

“Wala po. She didn't wear any accessories.”

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Boss. Dahilan kung bakit natanong niya ang tungkol sa kwintas dahil yun ang dahilan kung bakit nasa panganib si Demi. Gustong makuha ng kalaban yun. Hindi naman sana malalaman ng kalaban na nasa sa kaniya yun kung hindi niya naging boyfriend ang Dylan na yun! Siya ang dahilan kung bakit delikado ang buhay ni Demi!

“Kung ganun. Ipagpatuloy mo lang ang aking inatas sayo. Protektahan mo siya. Huwag mong hahayaang mapahamak siya. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Gabrielle, alam kong hindi mo ako bibiguin.”

“Yes, dad. Hinding-hindi ko hahayaang mapahamak si Demi. Sabihin niyo man o hindi, poprotektahan ko pa rin siya sa kabila ng nalaman ko tungkol sa pamilya natin at pamilya niya.”

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang usapan namin ni Dad, ang boss ko. Hindi basta-basta ang buhay namin. Masyadong mapanganib.

Lumabas na ako ng office at bumaba para umalis. Well, hindi ko naman kailangang bantayan araw-araw si Demi pero gusto kong lagi siyang nakikita kahit sa malayo lang. Hindi ako pwedeng magpakita sa kaniya palagi.

“Hey, couz'. Where are you going?” bungad sakin ng pinsan ko.

“May bibilhin lang atsaka pupuntahan ko ulit si Demi.”

“You know what, hindi mo naman siya kailangan bantayan araw-araw eh. Nababantayan ko naman din siya at madalas na nakakasama.”

“Yeah. But I still want to see her.”

“Hahaha! Parang iba na yung atmosphere ah. Parang dati lang hindi mo tanggap na---”

“Let's not talk about it. I'll go ahead.” paalam ko sa kaniya.

“Okay. Take care, couz'.”

Hindi ko na siya pinansin pa at naglakad na papunta sa kotse ko. Sumakay na ako at pinaharurot yun. Dumeretso ako sa isang super market upang bumili ng mga pagkain ko.

‘Psh! I like foods so shut up!’

Napapangiti ako sa tuwing maaalala si Demi. Nakakamiss yung pang-aasar niya sakin nung huling nagkita kami. Hahaha! She's different. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Para sakin iba talaga siya. Minsan babaeng babae. Minsan naman ang yabang. Tsk.

‘If I were not, sakin niya lang pinapakita yung ganung kilos niya. Hahaha!’

Matapos kong ipark ang kotse ko ay pumasok na ako sa loob ng supermarket at kinuha lahat ng gusto ko. Kuha dito, kuha doon. Tss. Hindi lang naman ako makikinabang nito kundi pati na rin ang pinsan ko. Isa pa yung matakaw.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now