Chapter 25 - Letter For Crush

49 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Happy Weekend!

Hays. Tamad akong bumangon mula sa kinahihigaan ko. Psh! Inaantok pa kasi ako pero kailangan maaga lagi ang gising ko. Wala lang. Rule ko lang sa sarili ko. Hahaha!

Ayun na nga. Dumeretso na ako sa banyo para deretso ligo na rin. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at dun naabutan ko si mama na naglilinis ng bahay. Agad naman niya akong napansin kaya lumapit siya sakin.

Nakahain na ang almusal. Kumain ka na, 'nak.” nakangiting sabi niya.

Ewan ko ba pero mula nung sinabi yun sakin ni mama nung gabing yun, medyo naging awkward kami. Gustuhin mo man mag-open ng topic tungkol dun kasi hindi ako makuntento sa kwintas na yun, kaya lang mukhang ayaw ni mama. Kaya ito, kahit naguguluhan ako ay sinasantabi ko na lang.

Lumapit din ako kay Mama at niyakap siya. Yung yakap na parang namiss ko siya. Well, namiss ko naman talaga si Mama. Halos wala na kaming bonding eh. Busy kasi kaming magkakapatid sa school samantalang si Mama naman ay ganun din sa trabaho. Eh kung hindi lang naman kasi umalis si Papa... Hays.

“Oh bakit, Demi? May problema ba ang panganay ko?” bakas sa boses ni Mama ang pagtataka pero napakalambing ng boses niya.

“Wala naman po, Ma. Namiss lang kita.” sabi ko ay kumawala sa pagkakayakap sa kaniya.

Aysus! Baka naman may boyfriend ka na ha?!”

“Luh? Hindi po ah!” nakasimangot na sabi ko.

Naupo kami ni Mama sa sofa.

“Eh siguraduhin mo lang, Demi Zaine!” matalim na titig na sabi ni mama.

Napanguso na lang ako dahil dun. Parang kanina lang ang lambing namin sa isa't isa tapos biglang pagdating sa boyfriend-boyfriend na yan, ayun! Sermon here, sermon there na naman. Hays. Mama talaga.

“Eh wala naman po talaga eh.” nakasimangot na sabi ko.

“Ayoko lang naman na mangyari sayo ang nangyari noon dahil sa Dylan na yun..”

Pilit naman akong ngumiti kay Mama. Si Mama, ang mga kaibigan ko. Saksi sila sa lahat ng nangyari sakin nung oras na yun. Hindi nila ako pinabayaan kahit na sukong-suko na ako sa buhay ko. Kaya napakaswerte ko na nandyan sila sa tabi ko.

“Ma, okay na po ako. Hindi na mauulit yung nangyari noon.” nakangiti kong sabi sa kaniya.

Hinawakan ni mama ang dalawa kong kamay at pinisil-pisil iyon. “Pero kung... hindi mo mapipigilan ang sarili mong umibig ulit, hindi kita tututulan. Basta kung magmamahal ka, huwag mahal na mahal. Para kapag nasaktan ka, masakit lang. Hindi yung masakit na masakit.”

Hindi ko alam kung bakit pero isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Ang taong nagpapasaya sakin araw-araw. Ang taong hindi ko alam kung mahal ko na nga ba. Ang taong hindi ko alam kung ganun din ba siya. Dapat ko bang pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya?

Tumulong ako kay Mama sa paglilinis ng bahay. Para naman hindi ako laging tamad. Hehehe. Pero nakakapagod talaga kasi eh. Nawa-wonder tuloy ako, paano kinakaya ni Mama lahat ng ito ng hindi ako tumutulong? Hmp! Nakakakonsensya.

Matapos namin maglinis ay dumeretso na ako sa kwarto para dun magpahinga. Napapikit na lang ako habang nakaupo sa upuan.

“Love? Yan yung naramdaman ko nung makilala kita.”

Bigla na lang akong napamulat ng mata ng marinig ang boses na yun sa isip ko ni Jes. Tsk! Maya't maya, minu-minuto... hindi siya mawala sa isip ko. Ganun ba talaga kapag nagkakagusto ka na sa isang tao? Hay.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now