Chapter 45 - Her Birthday

54 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

12:00 a.m. December 09, My Birthday...

Napangiti na lang ako ng mapakla. Hanggang ngayong kaarawan ko, naiyak pa rin ako. Isang araw na rin akong walang ganang kumain dahil sa nalaman ko. Sobrang sakit sa pakiramdam kasi yung kapatid mo, ikaw yung sinisisi sa lahat.

‘Hindi ba pwedeng biktima lang din ako?’

Napayuko na lang ako sa tuhod ko at mahinang humihikbi. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit. Sobrang dami ng katanungan sa isip ko. Bakit pa ako nabuhay sa mundo kung kasinungalingan lang din ang nalalaman ko? Bakit ako nabuhay sa kasinungalingan? Bakit ngayon ko pa lang nalalaman ito?

Gusto ko ng malaman ang lahat. Gusto ko ng makaalis sa kasinungalingan na ito.

‘Pa, bakit mo kasi ako iniwan? Bakit mo kami iniwan? Pakiramdam ko wala akong kakampi... Nasaan ka na ba? Ikaw lang Pa ang makakasagot sa mga tanong ko dahil ikaw lang ang nakakaalam...’

Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil baka lumakas ang paghikbi ko. Ang hina kong tao. Dapat hindi ako naiyak. Pero ito ako, iyak ng iyak. Sobrang sakit kasi talaga. Parang gusto ko na lang mawala sa mundong ito.

Kinuha ko ang journal ko at nag-umpisang magsulat habang umiiyak ako.

December 09

Happy birthday to me!! Ito na siguro ang pinakamasakit na birthday na mararanasan ko. Galit sakin ang kapatid ko at hindi na niya ako tinuturing na ate niya. Hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Kung ganun sino ang tunay kong ina.. Nasaan siya? Magkasama kaya sila ni Papa.. Masakit talaga eh. Bakit ang dami nilang tinatago sakin at ayaw nila sabihin lahat-lahat... Sa bawat katotohanan na malalaman ko, paulit-ulit na dinudurog ang puso ko... Ayoko ng ganito. Parang gusto ko na lang hilingin ngayong kaarawan ko... Mamatay na lang sana ako..

~Dzaine

At pagkatapos nun, wala na akong ginawang iba kundi umiyak ng umiyak ng umiyak. Ewan ko ba pero kahit talaga umiyak ako, hindi naman nawawala yung sakit na nararamdaman ko eh.

*6:00 a.m. in the morning*

Nakabihis na ako ng uniform ko at tinitignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Halatang-halata na umiyak ako dahil sa sobrang pugto ng mata ko. Pumunta ako sa study table ko at binuksan ang drawer ko. Agad tumambad sakin ang kwintas na bigay ni Papa.

Kinuha ko yun at sa sandaling ito, parang maiiyak na naman ako. Pinigilan ko na lang yun at binalik ang kwintas dun. Pakiramdam ko sumasama na ang loob ko dahil sa pamilyang ito. Puro kasinungalingan...

Bumaba na ako at akmang aalis na sana pero nakita ako ni Mama.

“Anak, papasok ka na? Kain ka muna.” malumanay na sabi niya sakin.

Agad naman akong umiwas ng tingin. “H-Hindi na po. Malelate na ako sa school. Alis na po ako.” sabi ko.

“Pero isang araw ka ng hindi kumakain. Baka magkasakit ka.”

“Mas maganda siguro kung magkasakit na nga lang ako hanggang sa mamatay. Kaysa mabuhay po sa kasinungalingang ito.” sabi ko at nilagpasan siya. “Alis na po ako.” sabi ko pa.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now