Chapter 33 - Cold Jes

50 5 0
                                    

A/N: I suggest you guys to play Bitaw Na by This Band while reading this. Enjoy!

Demi Zaine's POV

Araw na ng exam ngayon, at siyempre pagkatapos nito ay sembreak na. Pero hindi ko feel ma-excite. Kung dati mas gusto kong walang pasok, ngayon hindi. Mas gusto ko kasing nakakasama si Jes. Pero hindi na naman kami nagkakasama. Nitong mga nakaraang araw, ang lamig na niya sakin. Hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang tanungin pero wala akong lakas ng loob. Hay! Kung sa kailan namang sigurado na ako sa nararamdaman ko, saka naman siya lumayo.

Naglalakad ako ngayon papunta sa ibang section para makipag-exchange ng test paper. Napabuntong hininga na lang ako sa tuwing maiisip ko si Jes na malamig ang tingin. Bakit ganun? Pakiramdam ko pinaasa niya ako. Matapos niyang pasayahin ako at pakiligin sa mga pinaggagawa niya, isang araw bigla na lang siyang lumayo. May nagawa ba ako kung bakit siya lumayo?

Pakibigay na lang yan kay Mr. Sandoval at siya na ang magdistribute sa inyo.” sabi ni Miss sakin at inabot ang test papers.

“Thank you, Miss.” sabi ko bago lumabas ng classroom nila.

Hay. Sa lahat ng pwedeng pagbibigyan ko nito, bakit sa kaniya pa? May part sakin na gustong lumapit sa kaniya pero ayokong magsalita siya sa harap ko ng sobrang lamig. Ang lamig niyang magsalita sakin. Hindi naman siya ganun noon. Nagtataka tuloy ako kung bakit.

Papasok na sana ako sa room namin pero natigilan ako dahil sa nakita ko. Si Jes ang yung kaklase namin... magkayakap sila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa kanila. Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko pero agad ko itong pinigilan. Napakagat labi na lang ako habang papalapit sa kanila. Hindi nila ako napapansin dahil nagtatawanan pa sila. Hindi ko alam pero mukhang mas masakit pa ito sa pinaranas sakin ni Dylan. Walang kami ni Jes at wala akong karapatang magselos. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

“Jes.” tawag ko sa kaniya.

Napangiti na lang ako ng mapakla sa isipan ko. Parang kanina lang nakikipagtawanan siya pero nung ako na yung kaharap niya, seryoso at sobrang lamig na ulit ng tingin niya. I have this feeling na sakin lang siya ganun.

Pinabibigay ni Miss. Ikaw daw magdistribute.” seryosong sabi ko sa kaniya, ayokong makita niyang nasasaktan ako dahil sa pinapakita niya saking ugali ngayon.

Kinuha niya na yun sakin at walang sabi-sabing tinalikuran ako. Tsk. Wala man lang 'thank you'. Mapakla na lang ako napangiti and this time, hindi na sa isipan ko. Sakto namang lumapit sakin si Airish na nag-aalala ang tingin sakin.

“I saw that. Are you okay, tol?” tanong niya.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. “Oo naman.” sabi ko.

Sulat Para Kay C R U S H:

Saw you hugging someone and laugh with her, it makes me jealous and almost cried. Hindi mo na nga ako pinapansin eh. Sembreak na. Mamimiss kita, bi ko. Sana sa susunod na pasukan, marinig ko na ulit yung pagtawag mo ng 'bi' sakin. Sana makulit ka na ulit sakin. I'm hoping for it. Can you do it again? Please. Kung hindi man tayo para sa isa't isa, sana hindi ka rin para sa iba. Gusto ko akin ka pero alam ko namang never mangyayari yun. Iba ang gusto mo. Iba ang mahal mo. Never magiging ako yun. It feels like love is just a shit. I fell twice. Siguro isa ka rin sa magiging dahilan kung bakit ako iiyak. But I hope there is a chance na ikaw naman yung magpapatawa ulit sakin at maiinlove.

Book 1: Love Or HateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora