Chapter 17 - 7/11

65 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Dumeretso siya na kami sa 7-11 gaya ng napag-usapan sa text. Siyempre hindi mawawalan ng kwentuhan habang nilalakad ang papunta roon. Sanay na kaming nilalakad lang hanggang dun dahil malapit lang naman, at para na rin mas mahaba ang bonding namin.

"Sino kayang manlilibre ngayon?" pagpaparinig ni Alvia.

"Psh! Edi kayong dalawa ni Josh! Tagal niyong hindi sumasama eh." si Nashi.

"Ayt! Naku! Magkanya-kaniya na lang tayo at pare-pareho tayong wala ngayon."

Hahaha! Pagdating sa panlilibre, gusto nilang tatlo na sila ang nililibre at hindi nanlilibre. Mga baliw!

"Hay! Ako na lang ang manlilibre." singit ko sa kanila.

"Wow! Bumait ka yata ngayon? Parang dati nanghihinayang ka pa kapag nililibre mo kami." nang-aasar na sabi ni Josh pero hindi naman ako napikon.

"Haha! Ang sarap talaga kapag libre."

"Matakaw ka kasi, Nashi. Tignan mo nga at wala pa tayong kinakain pero nasarapan ka na agad! Tsk!"

"Shut up, Alvia!"

Natawa na lang ako sa iniasta nila. Maya-maya pa ay nandito na kami sa tapat ng 7-11. Siyempre ako ang nagbukas ng pinto habang nakatungo. At nung tumunghay na ako ay... hindi ko inaasahan ang makikita ko.

'B-bakit nandito sila?! Waaaaaaah!'

Napalunok pa ako ng ilang beses ng magsalubong ang tingin namin ni Jes. Ayan na naman yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Pa-share kami ha."

Napaiwas lang ako ng tingin kay Jes nung magsalita si Josh. Takte! Bakit makikishare pa kami kung meron naman sa labas. Tumingin ako kay Josh na nakatingin sakin ng makahulugan. Nagtataka naman akong tinignan siya. Wala akong nagawa kundi umupo na lang at... kaharap pa niya.

"Kanina pa kayo dito?" dinig kong tanong ni Nashi.

"Hindi. Kadadating lang din." si kuya David ang sumagot.

Huminga ako ng malalim at nirelax ang sarili. Paniguradong mahahalata ako ng mga 'to kapag ganito ang inaasta ko. Kailangan kong maging komportable. Wala pa man din akong tiwala sa mga kaibigan ko sa ngayon. Baka may sabihin sila. Nakakainis! Tumunghay ako sa pagkakatungo ko at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko siyang nakatingin sakin ng seryoso.

"B-bakit?" halos mautal kong tanong.

Pero hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya. Nanatili lang siyang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung napapansin yun ng mga kasama namin dahil nagkekwentuhan silang lahat maliban samin ni Jes. Yung pakiramdam na para akong napahiya kasi... basta! Napahiya ako kasi hindi niya sinagot yung tanong ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko kaya napatingin naman sakin ang mga kaibigan ko.

"Bibili na ako ng makakain natin." sabi ko.

"Sigeee!" sabay-sabay nilang sabi at sina... Jes--aba!

Kinunutan ko naman ang apat na lalaki. Sa pagkakaalam ko, mga kaibigan ko lang ang ililibre ko.

"Joke lang!" biglang sabi nila, maliban kay Jes.

Napailing na lang ako sa kanila at tinalikuran sila. Dumeretso na agad ako sa area ng mga chitchiria. Yun naman palagi ang kinakain namin dito sa 7/11 eh. Nagtingin-tingin pa muna ako. Well, gusto ko talagang magtagal dito dahil naiilang pa ako kay Jes. Tumingin ako sa pwesto nila pero alam kong hindi nila ako nakikita. Pero nakakapagtaka at biglang nawala si Jes.

Book 1: Love Or HateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz