Chapter 49 - Christmas Party

57 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang buwan na rin pala ang nakalipas at ngayon na ang araw ng Christmas Party namin. Sa ilang buwan na yun, ang dami na rin palang nangyari sakin. Marami na rin akong nalaman pero nasisiguro kong mas madami pa rin ang tinatago nila sakin. Hays. Kailan ba matatapos itong sekretong ito? Kailan ko ba makikilala ang sarili ko?

Napatingin ako sa litrato ni Jes na nakadisplay sa side table ko. Kung saan ko man ito nakuha, basta. Haha.

‘Hindi ko akalain na ang taong hindi ko naman masyadong pinapansin noon ay siyang mamahalin ko ng husto hanggang ngayon..’

He's my inspiration, my life, my one and only, my special someone and my LOVE. Baliw na kung baliw sa kaniya. Wala eh, kahit nasaktan niya ako mahal ko pa rin siya. Ganun naman siguro talaga kapag mahal mo. Kahit magpakatanga ka, okay lang, at sa sitwasyong ito... ang TANGA ko nga talaga. Hehe.

Napakakumplikado pa ng mga bagay-bagay sa ngayon kaya hindi ko alam kung mahal nga niya ba ako. Hindi sa hindi ako naniniwala, siguro ay dala lang din ng pagiging selosa ko. Kapag kasi nagseselos ako, ang dami kong naiisip. Hays.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dinala ang regalo ko kay Jes. Humarap muna ako sa salamin. Simple lang ang suot ko. Hindi naman kasi ako mapormang babae. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumeretso sa kusina kung saan nandun sina Mama.

“Ma, alis na po ako.” paalam ko.

“Sige. Ingat ka, anak. Maya-maya pa 'tong mga kapatid mo eh.” sabi ni Mama.

“Sige po.” sabi ko at ngumiti.

Sinadya kong hindi lingunin ang mga kapatid ko. Maaasar lang ako kapag nakita ko ang mukha ni Lian. Hanggang ngayon ay nasa kaniya pa rin ang kwintas ko, at hindi niya binibigay sakin. Tsk.

Pagkadating ko sa school ay wala pa masyadong estudyante. Masyado pa kasing maaga kaya kakaunti pa lang. At dahil wala pa nga masyadong tao, sinalpak ko na muna ang earphone sa tenga ko at nakinig ng tugtog.

Pinikit ko ang mata ko at biglang pumasok sa isip ko si Jes. Naaalala ko yung gabing hinalikan niya ako at hinalikan ko siya. Napangiti na lang ako.

Maya-maya ay nagmulat na ako ng mata at nabigla ako sa nakita ko kaya bigla akong napaatras at muntik na akong matumba pero hinawakan niya ang bewang ko para saluhin. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya.

“J-Jes..” halos mabulos ko ng sabi.

Walang ka-emo-emosyong ang mata niya habang nakatingin sakin at nakahawak pa rin sa bewang ko. Parang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Para bang hindi ko naririnig ang tugtog na pinapakinggan ko. Mas lalo pa akong natigilan ng lumapit pa siya sakin at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung aatras ba ako pero hawak niya ako sa bewang ko, o kung itutulak ko pa siya kaya lang baka mapalakas ako ng tulak. Hanggang sa tinanggal niya ang earphone sa tenga ko kaya natigilan ako.

“Be careful, Zaine. Buti na lang nahawakan kita agad.” sabi niya.

Pagkatapos nun ay nilagpasan na niya ako at iniwang nakatanga. Seriously?! Kingina! Yun na yon?! Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa bilis pa din ng tibok ng puso ko. Tinignan ko siya kung saan siya pupunta. Hays. Napailing na lang ako.

‘Ano ba itong ginagawa niya sakin?! Hindi ba niya alam na habang natagal, palalim ng palalim ang pagmamahal ko sa kaniya. Minsan nakakatakot ang itsura niya. Minsan naman, ang kulit.’

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now