Chapter 9 - Day 23

80 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang minuto na lang at uwian na. Sa tuwing maiisip ko yung reaksyon ni Jes dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya, natatawa ako. Hahaha! Siraulo kasi. Pasalamat siya at mabait akong kaibigan. Dahil kung hindi, hinding-hindi ko siya mapapatawad sa mga pinaggagawa niya sakin.

“Class dismiss.”

Pagkasabi nun ng subject teacher namin ay nagsitayuan na kami at isinukbit ang bag namin. Lumapit ako kay Josh na nakikipagtawanan sa kaklase namin.

‘Hmp! Nakakapagselos.’

“Besh.” tawag ko sa kaniya.

Agad naman siyang lumapit sakin habang dala-dala ang bag.

“Tara na.” sabi niya at tumango naman ako.

Dinaanan namin sina Nashi at Alvia kaya sabay-sabay kaming apat ngayon umuwi. Ngayon lang ulit kami nagkasabay-sabay. Hehehe!

“Guys, 7/11 tayo.” pag-aaya ko sa kanila.

“Ay sorry besh. Hindi ako makakasama. Alam mo naman si lolo, alam lahat ng galaw ko at ayaw akong paalisin ng bahay.” malungkot na sabi ni Alvia.

“Ganun ba?” bagsak balikat kong tanong at tumango naman siya.

Sa magkakaibigan talaga pagdating sa galaan, may isang hindi papayagan. Hay.

“Ako din hindi makakasama. May pupuntahan kasi kami ngayon nina Dad. Kayo na lang ulit ni Nashi.” si Josh naman.

Bawal ako ngayon.” sagot agad ni  Nashi.

Bagsak balikat na talaga ako habang naglalakad kami. Kung sa kailang sabay-sabay kami umuwi. Kaya nga nag-aaya ako ngayon eh tapos hindi pala sila pwede. Hays!

“Ganun ba? Sige, okay lang. May next time pa naman.” pilit ngiti kong sabi sa kanila.

Nagpatuloy na kami paglalakad at hindi na nag-imikan pa. Nakakalungkot. Kasama ko nga sila pero parang hindi rin. Baka dumating din yung araw na wala na kaming pansinan.

Hayaan mo, besh. Sa susunod makakasama na kaming tatlo. Magsasama-sama na tayo sa galaan.” sabi ni Nashi at ngumiti naman ako sa kaniya.

Unang nakauwi si Alvia dahil malapit lang ang bahay niya sa school. Sunod naman si Josh kaya kami na lang ulit ni Nashi ang magkasama.

Sa aming apat, kami lagi ni Nashi ang magkasama kahit saan kaya kadalasan parang siya lang yung naiisip kong kaibigan ko. Pero don't get me wrong. Kaibigan din naman ang turing ko kina Alvia at Josh.

“Demi, may tanong ako sayo?”

“Ano yun?”

“Kung halimbawang may dumating ulit na tao sa buhay mo para pasayahin ka, tatanggapin mo ba?”

Napaisip naman ako dun sa tanong ni Nashi.

‘Nung dumating si Dylan sa buhay ko, naging masaya naman ako dahil pinapasaya niya ako lagi at pinakikilig.’

“Oo naman. Bakit?”

“Paano kung halimbawang masaktan ka lang din ulit, uulitin mo pa bang maging masaya ulit sa panibagong tao?”

Natigilan ako sa sinabi ni Nashi. Hindi ko alam pero para akong kinakabahan sa sinasabi niya. Masyadong malalim. Masyado din siyang seryoso sa mga tinatanong niya. Na parang alam niya na masasaktan at masasaktan lang ako.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now