Chapter 2 - Day 2

243 9 0
                                    

Jes Revan's POV

Pailing-iling akong pumasok sa classroom. Ang taray pala ng Demi na yun! Ang lakas pa ng boses! Ang sakit din naman ng pwet ko ah! Palibhasa hindi kami close nung grade 8. Kahit ngayon naman!

"Uy, ba't ka sinisigawan ni Demi kanina?" bungad sakin ni kuya David.

"Nabangga ko kasi siya. Tangna! Ang lakas ng boses. Kung makapanigaw akala mo malayo ang kausap!"

"Hahaha! Bro, dyan nag-umpisa ang lolo't lola ko. Tamang sigawan lang sa una pero sa huli ay lambingan. Hahaha!"

"Pakyu ka, kuya!"

Isa pa 'tong nakakainis. I-compare ba naman yung nangyari samin ni Demi sa lolo't lola niya. Langya! Kung ano-ano agad iniisip.

Demi Zaine's POV

Nakauwi na ako sa bahay at kasalukuyang nasa kwarto ko. Nilabas ko ang Journal ko at sinulatan ng una kong sulat.

June 10

My first day of school...
I'm sad because I'm with Alvia in other section at hindi na namin kasama sina Nashi at Josh. But it's fine... Okay na sana kung hindi ko lang nakabangga si Jes. Bakal talaga ang katawan nun!

-DZaine

Pagkatapos kong isulat yun ay natulog na ako. Inaantok na kasi ako.

*Kinabukasan*

Maaga akong umalis sa bahay kasi trip ko lang. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Naging kami daw ni crush. I bet hindi niyo kilala crush ko noh? Hahaha. Taga-special section lang naman yun.

Dahil nga maaga akong umalis sa bahay ay wala pang gaanong estudyante pagdating ko dito sa school. Hindi pa rin bukas ang room namin kaya no choice kundi maghintay. Sanay naman akong maghintay.

"Hey, Zaine!"

"Ay, tangna!" napasigaw ako sa gulat ng may sumundot sa bewang ko. "Ano ba?!" inis na tanong ko sa kaniya.

"Morning lang." sagot niya.

Hindi mo siya makikitaan ng reaksyon sa mukha niya. Hindi mo masasabi kung mayasa ba siya o malungkot o galit o... basta!

"Parang kahapon lang bakal 'yang katawan mo tapos ngayon nangunguryente na! Aba! Ano naman kaya bukas kapag nagkita ulit tayo?!" inis na sigaw ko sa kanila.

"Tsk! Pwede pang tigilan mo ang pagtaas ng boses mo? Ang bungangera mo! Nagmomorning lang eh!"

"Eh ang ganda mo magmorning huh?" sarkastiko kong sabi. "Wala na ngang good tapos ganun pa? Tsk! For your information Jes Revan Sandoval, magugulatin ako kaya kung pwede huwag mo akong kikilitiin. Naiintindihan mo?!"

"O'sya sige na. Baka hindi matapos ito. Bungangera ka pa naman pala. Punta na ako sa room ko." pagkasabi niya nun ay nilampasan na ako.

Aba't! Hindi pa nga ako nakakapagba-bye tapos nilampasan agad ako! Sinabihan pa akong bungangera?! Hindi ako bungangera! Hinding-hindi---

"Earth on Demi!!!"

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now