Chapter 32 - Plan

57 5 0
                                    

Angela Kirsten's POV

Hey, slutters!

Tss. Napairap na lang ako sa kawalan habang inaalala ang huling pag-uusap namin ni Jes. Matapos nun, hindi na niya ulit ako pinansin, at dahil yun sa pesteng Demi na yun. Kaya dapat lang talaga na mawala siya sa landas namin ni Jes para akin lang siya.

“Hey, Angela. Here.” si Reign, kaibigan ko.

Inabot niya sakin yung juice na pinabili ko sa kaniya sa canteen. Inabot ko naman yun at ininom. Nakakabadtrip! Nakita ko si Demi na bumaba ng hagdan kaya hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin. Naiinis ako sa tuwing maaalala ang tanong sa isip ko. Ano bang nakita ni Jes sa babaeng ito? Walang maganda sa kaniya.

“Ang sama na naman ng tingin mo sa kaniya.” rinig kong sabi ni Reign.

“Tsk! Everytime I see her, I hate her. I want her gone now! Nakakainis lang dahil pinipigilan pa ako ni Daddy.” mahina kong sabi, baka kasi may makarinig samin.

Kung sana lang hindi ako pinipigilan ni Dad, baka nakaburol na yan. Tss. May plano pa daw kasi si Dad sa kaniya kaya naman hangga't nagtitimpi ako, hanggang sama ng tingin lang ako sa kaniya.

“Wala namang magagawa yang galit mo, Angela. Bakit ba kasi hindi mo na lang i-let go si Jes? He doesn't like you after all. Bakit ba hindi ka pa tumigil?”

Dahil sa sinabing yun ni Reign, nabalot ng inis at galit ang isip ko.

“Don't tell me what to do, Reign! Hindi ko hahayaang masayang ang tatlong taon na pagkagusto sa kaniya. Ipaglalaban ko kung anong akin. Akin lang si Jes.” may galit na sabi ko sa kaniya.

“Pero wala namang nangyayari. Atsaka, walang kaalam-alam si Demi sa ginagawa mo. Huwag kang mandamay ng inosente.”

Tss. Napangisi na lang ako. “Inosente siya, pero ang pamilya niya hindi. Kalaban pa rin namin ang pamilya nila sa organisasyon.” sabi ko.

“Yeah, at alam kong ginagawa mo ito dahil karibal mo siya kay Jes. Wala naman siyang sinabing gusto niya si Demi, right?”

“Oo, wala. Pero alam kong meron. The way he look into her eyes. Tsk!” napapikit na lang ako dahil sa inis.

Lumapit sakin si Reign at hinawakan ang dalawang balikat ko. Nag-aalala siyang tumingin sakin at napairap na lang ako tungkol dun. Pero kahit tinatarayan ko siya ay siya lang ang tunay at pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Dalawa sana sila kaso lang sinira nung isa ang tiwala ko. Kaya si Reign na lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko dahil alam kong hindi ako sisirain nito.

“Angela, nag-aalala lang naman ako sayo. Mga bata pa naman kasi tayo. Hindi pa dapat tayo gumagawa ng illegal na bagay.” sabi niya.

Inalis ko ang kamay niyang nasa balikat ko at ngumiti sa kaniya. Lagi niyang inaalala ang kalagayan ko.

“Ito na ang kinagisnan kong buhay, Reign at ganun ka rin. Diba kaibigan kita? So, dapat nasakin lagi ang loyalty mo. Huwag mong problemahin ang ibang tao dahil ang kalaban ay kalaban.” sabi ko at inubos ang juice matapos ay tinapon ko na yun sa basurahan, a trash like her.

Hindi ko na nilingon ko pa si Reign at umuna na akong maglakad papasok sa room. As usual, mahinhin ang lakad, mahinhin ang boses. Maamo ang magandang mukha pero makikita mo sa mata ang tunay na sama. Well, ako lang yan. At wala akong paki kung bata pa kami. Kung wala pa kami sa tamang edad. Ang mahalaga, magawa ko ang mala-demonyong gusto ko.

Book 1: Love Or HateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang