Chapter 36 - The Answer

61 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Papasok na ako ngayong umaga sa school. Ilang araw na rin ang nakakalipas mula nung mangyari yung pangyayari na yun at takot na takot pa rin ako. Pero hindi nawawala ang kuryosidad ko tungkol sa kwintas na yun. Kahit si Mama tinanong ko tungkol dun pero hindi niya sinasabi. Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Nashi at hindi sinasagot ang tawag ni Gab. Masama ang loob ko sa kanila.

Nakakatawang isipin. Halos lahat ng napapaligiran ko, may tinatago sakin.’

Napabuntong hininga na lang ako at dumeretso sa classroom. Hindi sana ako papasok dahil tuwing gigising ako tuwing umaga, naiisip ko na agad na may kukuha na naman sakin sa daan. Oo, medyo natrauma ako sa nangyari at feeling ko babangungutin ako. Hays.

Nakasalubong ko si Jes papasok sa classroom kaya naman napatingin ako sa kaniya.

‘Ganun pa rin siya. Pero namiss ko siya.’

Malamig pa rin siya kung tumingin sakin at nilagpasan ako. Napatigil na lang ako sa paglalakad. Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ko pero mas malala pa ito. Yung taong mahal mo na sobrang close mo noon, hindi ka na pinapansin ngayon.

“Oh, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa ah? Hay nako, siguradong si Jes na naman ang dahilan. Tsk.”

Napatingin ako kay President na pailing-iling pa habang sinasabi yun. Hays. Napabuntong hininga na lang ako at nilagpasan siya. Dumeretso na ako sa upuan ko at dun umupo. Hays! Ang bata-bata ko pa pero may ganitong problema na agad ako ng kinakaharap. Dapat lovelife lang pinoproblema ko. Dapat si Jes lang eh. Ano ba kasing meron sa kwintas na yun?

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng magvibrate yun. Nagtext si Gab.

Gab:

Good morning, baby sis! How are you? Kumain ka ba? Huwag kang papagutom ha. Huwag mo akong pag-alalahanin. Pasensya na kung hindi ko talaga masabi sayo. Ginagawa namin ito para maprotektahan ka. Hope you understand. I love you, baby sis!:-*

Napabuntong hininga na lang ako nang mabasa yun.

‘How can I understand?’

Paano ko nga ba maiintindihan? Hindi nila sinasabi sakin. Kahit si Mama. Basta sinasabi lang nila na pinoprotektahan nila ako dahil sa kwintas na yun. May kinalaman ba kay Papa kung bakit ako nasa panganib? Haysss!

“Uy Demi, tulungan mo nga ako dito.” si President nang makalapit sakin at umupo sa tabi ko.

Inabot niya sakin yung ibang test papers pero nakatingin lang ako dun at walang ginagawa. Nanlalambot ako at wala akong gana. May kulang kasi. Walang nagkocomfort sakin.

“Hays! Ano bang ginawa sayo ni Jes at ganyan ka? Lutang ka!” biglang sabi niya.

Napanguso na lang ako. “'Di na kasi niya ako pinapansin.” sabi ko.

“Hays! Nakaka-stress talaga ang lovelife na yan! Tapos pa-fall pa si Jes. Tsk.” sabi niya at hinilot-hilot pa ang sintido niya.

“Tapos pa-fall pa si Jes.”

“Pa-fall si Jes?” tanong ko.

“Aba ewan ko. Masyado kasing sweet, yan tuloy. Nagmumukhang paasa at pa-fall.”

Hindi ko na siya sinagot pa. Well, sa pagiging sweet din naman niya sakin ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kaniya. Pero hindi ko iniisip na pafall siya o pinaasa niya ako. Masakit lang talaga. Hehe.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now