Chapter 54 - A Month After

66 4 0
                                    

Gabrielle Lucio's POV

Walang emosyon kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Sa totoo lang, hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa nangyari isang buwan makalipas. Napuno na ako ng sobrang galit ko at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Sobrang sakit para sakin ang nangyaring yun dahil hindi ko man lang nagawang protektahan siya.

Pero may isang tao lagi na nagpapaintindi sakin kaya nagagawa kong ikalma ang sarili ko. Everything's happen for a reason. Ang sakit lang kasi anong rason pa para pahirapan ng ganito ang mga taong mahal ko? Gusto kong pumatay! Gusto kong maghiganti. Pero wala naman magandang naidudulot ang paghihiganti. Napatungo na lang ako ng kusang tumulo na lang ang luha mula sa mata ko.

‘I don't know what I'm gonna do now.’

Agad ko na lang pinahid ang luha ko at lumabas ng kwarto ko. Kinuha ko ang bulaklak na nasa lamesa at palabas na sana ng bahay nang makasalubong ko si Dad.

“Pupuntahan mo ulit siya?” tanong sakin ni Dad.

Tumango naman ako. “Yes, Dad.” sabi ko.

“Halos araw-araw mo na yang ginagawa. Son, I know you're guilty but let's just accept the fact that she's gone.” sabi ni Dad.

Alam kong malungkot siya ngayon pero hindi niya lang pinapahalata. Hindi ko na naman alam ang mararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na naman na umiyak pero pinipigilan ko lang.

“I can't accept that, Dad. She always understand me. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit wala na siya.” sabi ko.

Napabuntong hininga na lang si Dad at lumapit sakin. Niyakap niya ako at tinapik-tapik ang likod ko. Mariin ko na lang na pinikit ang mata ko para hindi tumulo ang nagbabadyang luha mula sa mata ko.

“I have to go, Dad.” sabi ko at kumalas na ng pagkakayakap sa kaniya.

“Okay. Ingat ka, anak. Just always remember kahit wala na siya, she always love you. Love us, okay?”

Pilit na ngumiti at tumango na lang ako kay Dad bago siya tuluyang talikuran.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yun hanggang sa makarating ako sa sementeryo. Ilang minuto pa akong nanatili sa loob bago lumabas na dala-dala ang bulaklak. Napabuntong hininga na lang ako sa malamig na simoy ng hangin. Nandito na naman ako.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako kung saan nandun ang puntod niya. Pumunta ako sa harap nun at pinatong ang bulaklak sa gilid nito. Umupo ako at nakahalumbabang tinignan ang puntod.

“Hays. Ang tagal na rin mula nung araw na nangyari yun. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala mo. I miss you a lot. Hanggang ngayon, gusto pa rin kita ipaghiganti pero alam ko namang walang maidudulot na maganda ang paghihiganti. I should've saved you. Nandun nga ako sa tabi mo but I didn't even saved you. Ang tanga ko. Kasalanan ko kung bakit nawala ka. Kung bakit hindi ka na namin kasama.

Malungkot na lang akong napangiti. “Siguro kung naririnig mo ako ngayon, baka nagsasawa ka na kasi halos paulit-ulit na lang yung sinasabi ko. Patawarin mo ako kung hindi man lang kita nagawang iligtas ha. Sorry din kung paulit-ulit na talaga. All you want for me is the best but I don't deserve this best. Because of me, you died.”

Hinayaan kong tumulo ang luha mula sa mata ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yun. Kung saan doon nagsimula ang lahat kung bakit kahit ang bata ko pa, ang bata pa namin, pero ibang-iba na ang tinatahak namin. Hinding-hindi na mabubuo pa ang pamilya namin dahil sakin.

Book 1: Love Or HateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora