Chapter 27 - Birthday Party

56 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Mabilis na lumipas lang ang araw at ngayon ay Sabado na ulit. Ngayon na yung birthday ni ate Jessry, yung kapatid ni Jes. Feeling ko tuloy, espesyal na ako sa kanila kasi isang beses pa lang naman kami nagkita ng family ni Jes pero invited na agad ako. Hahaha! Feeling ko tuloy, boto sila sakin para kay Jes. Pfft!

Asa!’

So ito nga, papunta na ako sa bahay nila. Nalaman ko kasi yung address nila kay Nashi kaya hindi na ako nag-abalang magpasundo pa. Nahihiya pati ako. Hahaha! At dahil pasaway akong bata, ito nakasakay ako sa baby car ko. Minsan ko na nga lang ito gamitin eh. Buti na lang at may alam akong sikretong daan. Hindi ako machecheckpoint. At buti na lang din dahil invited din ang mga bespar ko kaya kasabay ko sila ngayon. Bale, sina Nashi at Josh ang magkasama tapos kami naman ni Alvia dito.

“So, anong nangyari matapos nun?” tanong sakin ni Alvia, kinikwento ko kasi sa kaniya yung mga nangyayari samin ni Jes kung ba't ako nahulog sa kaniya.

“Ayun nga, maya't maya nilalapitan niya ako. Susundutin ang bewang. Alam naman na may kiliti ako dun. Tapos alam mo, besh. Kapag groupings naman, edi magkagrupo kami. May time na naiinis ako sa kaniya kapag seryoso siya. Tapos bigla-bigla, sasandal sa balikat ko. Kesyo inaantok daw siya. Siyempre ako naman itong si kinikilig dahil hinahayaan lang siya. Hays! Feeling ko tuloy, boyfriend ko siya or daig pa niya ang bilang boyfriend.” sabi ko.

“Ano ba sa tingin mo kung bakit niya ginagawa yun?”

“Tsk! Ayoko namang mag-assume pero sa tuwing ginagawa niya yung mga pa-sweet niya sakin, naiisip ko na baka may gusto ito sakin. Nakakainis nga eh! Yan tuloy, ako na yung may gusto sa kaniya.”

“Eh baka naman may gusto nga sayo.”

“Hindi ko alam, besh. Gusto kong malaman kung may pag-asa ba ako sa kaniya. Ayoko namang umamin sa kaniya na may gusto ako. Baka kasi may magbago. Kasi naiimagine ko na yung magiging reaksyon ko kapag nireject niya ako.”

“Alam mo, Demi. Umamin ko man o hindi, may magbabago. Malalaman din niya yun. Hindi man nagsasabi ng totoo yang bibig mo pero kitang-kita sa mata mo ang totoo.”

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na sinagot pa siya. Gustuhin ko mang umamin pero hindi ko magawa. Baka isang araw, hindi na niya ako pansinin. Hindi na niya ako kulitin. Baka mailang na siya sakin. Kaya hangga't maaari, ayokong mangyari ang bagay na yun. Dahil saming dalawa, ako ang mas masasaktan.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa bahay nina Jes. Nandun na rin sina Nashi at Josh at mukhang hinihintay kami kaya bumaba na kami ni Alvia matapos kong ipark ang kotse ko.

“Ang tagal niyo naman dalawa! Ano na namang pinag-usapan niyo?!” agad na bungad samin ni Josh.

Nagkwentuhan lang kami ni Demi tungkol sa mahal niya. Hahaha!” si Alvia ang sumagot.

“Aysh. Nandito na nga tayo sa tapat ng mansion nila oh!” si Nashi.

Napatingin ako sa bahay nila at makalaglag panga nga naman dahil sa laki nito. Ngayon ko lang nalaman na, mayaman pala sina Jes. Nakakamanghang titigan ang mansyon nila. Dinaig kami. Hahaha!

“Oh nandito na pala kayo.”

Napatingin ako sa nagbukas ng gate at ganun na lang ang paglakas ng tibok ng puso ko ng si Jes yun. Pak! Ang gwapo niya sa suot niya kahit ang payat niya. Ewan ko ba pero napatulala na lang ako sa kaniya. Sunod-sunod na din ang paglunok ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now