Chapter 10 - Canteen

72 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kalsada kasama siya. Buti na lang at hindi na sila nag-away ni Dylan. Umalis na si Dylan kaya nakahinga na naman ako ng maluwag.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang pangalan niya. Pangatlong beses na niya akong iniligtas.

“Salamat.” pagbasag ko sa katahimikan.

“Don't mention it. Basta huwag kang lalapit pa sa kaniya.” malamig na sabi niya.

Uhm... Pangatlong beses mo na akong niligtas. Una, nung muntik na akong mabangga. Pangalawa, nung hinarang ako ng mga tambay. At ngayon naman, sa ex ko. Lagi ka na lang sumusulpot kapag nasa panganib ako. M-magkakilala ba tayo? I m-mean, hindi kita kilala sa pangalan. Pero natatandaan ko ang mukha mo.” sabi ko.

Lumapit siya sakin. Medyo malayo kasi siya eh. Ngumiti siya sakin.

“I'm Gab, Demi.” sabi niya.

Gulat akong napatingin sa kaniya. Paanong nakilala niya ako.

‘Sabagay, lagi niya nga akong nililigtas eh.’

“How did you know my name? Bakit mo ako laging nililigtas?”

“You'll know, soon.” sabi niya at tumayo na siya. “Let's go. I'll take you home.”

Hindi na ako umimik pa sinundad siya hanggang sa makarating kami sa kotse 'niya' siguro. Sumakay na agad ako sa passenger seat. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa bahay.

Uhm... Thank you for saving me at sa paghahatid.” sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin at tumango lang kaya bumaba na ako. Hinintay kong makaalis siya bago ako tuluyang pumasok sa bahay.

“Ate, bakit ngayon ka lang?” salubong sakin ni Miara.

Nakita ko si Lian na nanonood ng tv. Lagi naman yang mahilig manood eh. Nakita ko naman si mama na nasa salas kaya lumapit ako sa kaniya at nagmano.

“Bakit ngayon ka lang? Hindi ka nauwi ng gabi lalo na kapag walang paalam.” seryosong sabi niya sakin.

Uhm... Nagkausap po kami ni Dylan.”

Alam naman ni mama na nagkaroon ako ng boyfriend at hindi siya tutol dun basta pagbutihin ko lang daw ang pag-aaral ko. Pero dahil sa nangyari sakin mula nung magbreak kami, sinabi niya sakin na huwag na daw ako magboboyfriend at tapusin ko na lang daw ang pag-aaral ko.

“Anong sinabi niya sayo? May ginawa ba siya sayo?” nag-aalalang tanong niya.

Kinuwento ko kay mama lahat ng nangyari maliban sa biglang pagsulpot ni Gab. Ayoko muna siya isali sa kwento dahil hindi ko siya kilala kahit na niligtas pa niya ako.

“Anak, hindi ko alam ang nangyayari sa batang yun. Matapos ka niyang lokohin, may gana pa siyang lumapit sayo?!”

“Ma, it's okay. Huwag ka ng magalit. Hindi na niya ako masasaktan.” sabi ko sa kaniya.

Pinagsabihan na ako ni mama na huwag ko na daw hahayaang makalapit pa sakin siya. Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto at hindi na kumain pa. Wala na kasi akong gana lalo na nung mangyari kanina.

Kinuha ko ang journal sa bag ko at nag-umpisa na ulit magsulat.

July 02, 2019

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now