Chapter 41 - "Zaine!"

64 4 0
                                    

Jes Revan's POV

Nakaupo ako dito sa back stage. Katatapos lang namin magperform kasama ng banda ko. Kaharap ko ngayon si kuya David at kasalukuyan kami ngayong umiinom ng soda. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang pag-amin niya sakin.

“Bro, anong naramdaman mo nung umamin sayo si Demi?” tanong ni kuya David.

Napatingin naman ako sa kaniya at uminom. Inalala ko yung araw na yun na umamin siya.

“Hindi ko alam.” walang emosyong sagot ko.

Dahil hindi ko naman talaga alam kung anong naramdaman ko nung araw na yun. Hindi ko masabi.

“Bakit? Wala ka man lang bang naramdamang spark? Yung parang bumilis yung tibok ng puso mo? O ano?” tanong pa niya.

Nagkibit balikat ako. “Hindi ko talaga alam, kuya. Alam mo namang mas marami akong pinoproblema ngayon, lalo na ang protektahan siya.”

“Tsk. Oo nga pala. Nasa panganib pa nga pala si Demi at ilan tayong pumuprotekta sa kaniya.”

Hindi na lang ako sumagot dun. Aaminin kong nasasaktan ako dahil sa pag-iwas ko sa kaniya at alam kong nasasaktan ko rin siya. At dahil umamin pa siya sakin na gusto niya ako, parang lalong nakadagdag ng dahilan para lumayo ako sa kaniya.

‘Patawarin mo ako, Zaine. Hindi ko muna masusuklian ang pag-ibig mo sakin. Mas kailangan kong protektahan ang buhay mo kaysa umibig sayo.’

“Pero bro, ano kaya kung naaalala lang ni Demi ang childhood memories niyo noh?”

Natigilan naman ako dahil dun. Ano nga kaya kung naaalala ni Zaine yun? Ano kaya kami ngayon? Palagi kong kinikwento sa kaniya ang tungkol sa nakaraan namin pero siguro ay nakalimutan na niya. Nakakalungkot isipin. Pero mas mabuti na rin siguro ito. Malayo siya sakin, hindi niya ako naaalala, ayos lang yun. Kapalit naman nun ay kaligtasan niya.

Oo, aaminin ko rin na nung unang beses na nakita ko siya ulit, hindi ko siya nakilala kaagad. Pero nung malaman kong siya nga yun, hindi na ako nagpakilala na ako yung kaibigan niya. Umaasa kasi ako na maaalala pa niya. Pero hindi. At ngayon, may nalaman ako tungkol sa kaniya, at dapat ko pala siyang protektahan.

Nakakatawang isipin, kabilang pala ang pamilya namin sa hindi ordinaryong organisasyon... Tsk.’

“Siguro kung alam lang niya, ganito pa rin ang mangyayari. Magkakalayo pa rin kami.” mapait akong napangiti. “Mabuti na rin ito. Mas napoprotektahan ko siya kapag malayo siya sakin.” sabi ko.

“But you just hurt her.”

“I need to stay away from her. Para sa kaligtasan niya, kuya.” malungkot na sabi ko.

“Paano na lang yung childhood memories niyo? Hahayaan mo na lang? Hindi mo na ipapaalala sa kaniya? Jes, pwede mo naman sabihin sa kaniya eh. Mapoprotektahan mo pa rin siya at alam mong mahal ka niya.”

Napatayo na lang ako at tumalikod kay kuya. Ang hirap para sakin... naiiyak ako. Mahal ako ni Zaine. Pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya.

“You know the reason, kuya. Hindi ko yun mapipigilan.” sabi ko at tuluyan ng bumagsak ang luha ko.

Agad ko itong pinahid dahil ayaw kong makita ni kuya na nagkakaganito ako.

‘Oo, mahal kita, Zaine. Pero patawarain mo ako kung hindi ko na maipaparamdam sayo yun.’

Book 1: Love Or HateOù les histoires vivent. Découvrez maintenant