Chapter 55 - His Hurtful Words

71 4 0
                                    

A/N: pasensya na po sa palaging late update:). Busy lang po talaga. And thank you po sa patuloy na pagbabasa. Road to 1k reads na po tayo. Thank you so much guysss!
Hope you like this chapter<3

Demi Zaine's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nung magising ako sa pagkagising ko sa hospital. Hindi ko akalain na nakatulog ako ng mahigit isang buwan. At ngayon, tinitignan ko ang katawan ko. Walang kagalos-galos na natamo dahil dun sa sunog. Hindi ko man lang ramdam na may masakit sakin. Parang ang lakas-lakas ko ngayon. Hays.

Dumeretso na lang ako sa balkonahe dala ang notebook ko at umupo sa upuan. Nagsulat ako ng kung ano-ano. Gabi na kasi at hindi pa ako makatulog kaya naman nandito ako. Kahit na medyo natatakot din dahil baka magkaroon na naman ng pagsabog. Ayoko na ulit makakita ng dugo. Sobrang nanginginig talaga ako ng mga oras na yun kaya hindi ko nagawang tumakbo para makaiwas sa pagsabog.

“Palagi ka na lang tulala sa isang bagay. Hindi ka na rin masyadong umiimik. Palagi ring malalim ang iniisip mo. Ate Demi, what's bothering you? Maybe I can help you.”

Napatingin ako kay Lian na siyang nagsalita. Hays. Hindi ko man lang namalayan na pumasok pala siya sa kwarto ko.

“I don't know why I am like this, Lian.” simpleng sagot ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at umupo sa kaharap na inuupuan ko. Kunot noo ko siyang tinignan.

“Ba't ka nga pala nandito?” tanong ko.

“Just to make sure na hindi ka mapapahamak.” agad na sagot niya.

Napailing na lang ako na lumapit sa kaniya at ginulo ang buhok niya. “Tsk. Ikaw talaga!” sabi ko.

Pambawi ko lang din sayo Ate Demi sa nagawa kong kasalanan sayo.” sabi niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya. “Past is past kaya kalimutan mo na yun. Ang importante, ayos na tayo.” sabi ko.

Kung ano-ano pang napagkwentuhan namin ni Lian hanggang sa dinalaw na kami parehas ng antok kaya naman lumabas na siya ng kwarto. Dumeretso ako sa higaan ko at humiga. Pero para namang biglang nawala ang antok ko. Tsk. Nakakainis naman. Mukhang hindi na naman ako makakatulog nito. Nakakainis talaga. Umikot ako ng higa at sa kabila humarap. Sinubukan kong makatulog pero wala pa ring antok na dumadalaw sakin. Kaya bumangon na lang ako at napabuntong hininga.

‘Kamusta na kaya siya?’

Ang tagal na rin pala mula nung huli kaming nagkita. Last year pa yun eh. Nakakamiss siya. Alam niya kaya ang nangyari sakin? Tss. Malamang hindi kasi itatago nila ito sa lahat ng tao.

Humiga na lang ulit ako at pinilit na makatulog.

‘I miss you, Jes...’

*K I N A B U K A S A N*

“Ma, alis na po ako.” sabi ko.

“Sige, anak. Ingat ka.” sabi ni Mama at niyakap ako.

Ngumiti naman ako. “Hmm. Sige po.” sabi ko.

Nauna na ako sa mga kapatid ko. Kaya ko na naman ang sarili ko eh. Hindi na nila ako kailangan bantayan. Well, alam ko naman na may nagbabantay sakin eh. Kaya hindi naman ako masyadong natatakot. Medyo-medyo lang. Hehe.

Makalipas ang kalahating oras na pagbabyahe ay nakarating na rin ako sa school. Nilibot ko ang paningin ko. Hmm. Wala pa rin naman nagbabago. School pa rin. Hehe. Pumasok na ako sa gate ng school at dumeretso sa tapat ng classroom. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Ang sasaya nilang lahat. Ngumiti na lang ako at pumasok sa loob. Saka nila ako napansin.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now