Chapter 59 - Closing Party

59 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ngayon na ang araw ng closing party namin at next week naman ay ang recognition. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Simple lang ang suot kong dress ngayon. Sa tuwing matitignan ko ang sarili kong mukha, parang hindi ko makilala dahil sa pag-aayos sakin ni Josh. Magkakasama kami ngayon nina Alvia, Nashi at Josh sa kwarto ko.

Naupo si Alvia sa kama ko. “Hays. Isang linggo na lang at hindi na tayo magkikita-kita. Mamimiss ko kayo, mga besh.” malungkot na sabi niya.

“Me, too. Parang kailan lang na Grade 7 tayo nagkita. Then, magge-Grade 10 na tayo. I can't wait to have a successful life!” sabi naman ni Josh.

“And to have a family.” dugtong ni Nashi at tumingin sakin. “Ang ganda mo talaga kapag naayusan, besh. Siguradong matutulala sayo si Jes.” sabi niya.

“Buti pa kayo, may closing party. Kami wala.” si Alvia.

Hays. Napabuntong hininga na lang ako. “Sa totoo lang, parang ayokong pumunta eh.” sabi ko. “Hindi ko nagustuhan na kami ang partner ni Jes sa sweet dance. Hindi ko kasi kaya na yung taong nanakit sakin ay sobrang lapit sakin.” malungkot na sabi ko.

Natatakot kasi ako eh. Baka biglang mapaiyak na lang ako kapag kaharap siya. Ang babaw pa naman ng luha ko at hindi ko agad mapigilan.

“Ito na yung chance, besh. Ipa-explain mo sa kaniya. Subukan mong pakinggan siya...” sabi sakin ni Nashi.

Hays. Kapag pinakinggan ko siya, para na rin akong umasa. Sabagay, umaasa naman talaga ako.

Pumunta si Josh sa study table ko at may kinuha sa drawer doon. Hinayaan ko na lang siya kasi mga kaibigan ko naman sila at mapapagkatiwalaan. Kinuha niya yung isang box kung saan dun nakalagay ang kwintas na bigay sakin ni Papa. Binuksan niya yun at kinuha.

“Oh my gosh, besh! Isuot mo ito. Bagay na bagay ito sayo, besh.” sabi niya sakin at lumapit.

“Wow. Ang ganda nung kwintas ha.” sabi ni Alvia.

Ngumiti naman ako. “Bigay sakin ni Papa.” sabi ko.

Dahil dun ay nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Namimiss ko na si Papa. Kailan kaya kami magkikita? Hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa na makita si Papa. Maghihintay pa rin ako kahit gaano katagal.

O'sya, tara na sa venue, mga besh.” sabi ni Nashi at tumayo na.

May venue kaming binayaran ng section namin para dun ganapin ang closing party. Mas maganda daw kasi kung sa ibang lugar ganapin kaya naman nagpaalam ang President namin sa adviser at Principal. Buti na lang at pinayagan kami.

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang kwintas ko na suot ko na. Ito ang unang beses na sinuot ko ito. Para akong kinakabahan na ewan.

Makalipas ang halos kalahating minuto ay nakarating na rin kami sa venue. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis ang kaba sakin. Pilit ko na lang yun na binabalewala. Tsk.

Pagkababa namin ay dinig na agad namin ang tugtog mula dito sa labas. Oo nga pala, invited ang mga kaibigan ko kaya sila nandito.

“Let's go!” excited na sabi ni Alvia at umuna na sa paglakad.

Sumunod naman kami sa kaniya at nang makapasok kami ay pumako na samin ang tingin ng lahat... Ay hindi... Hindi ko alam kung nag-aassume lang ako o sakin talaga nakatingin... Nakakailang tuloy.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon