PROLOGUE

1.7K 60 0
                                    

Blood is thicker than water.
Mas makapal ang dugo kesa sa tubig.

Isang salawikain na ang ibig sabihin ay mas higit pa ang relasyon ng pamilya kesa sa kahit anong relasyon.

Ngunit bakit kailangan pang ipagkumpara ang dugo at tubig?

Hindi ba't pareho naman itong may mahalagang ginagampanan sa ating buhay?

Ang dugo ay may importanteng papel sa pag-aayos ng sistema ng ating katawan,

Ang tubig naman ay nagbibigay ng sustansya sa lahat ng selula sa ating katawan.

Samakatuwid, kapag parehas itong nawala, hindi ba't nakamamamatay?

Bakit hindi na lang natin gamitin ang dugo at tubig bilang simbolo ng pag-ibig?

Hindi ba't sa pag-iibigan naman nagsisimula ang isang pamilya?

Nagsimula sa pag-iibigan ng ating mga ninuno, hanggang sa pag-iibigan ng ating ama at ina at patuloy itong magpapatuloy dahil walang katapusan ang pag-ibig.

Dugo ang sisimbolo sa malagkit na pagmamamahalan ng dalawang taong nag-iibigan. Tubig naman ang sisimbolo sa sustansya at kalinisan ng kanilang pagsasamahan.

Kung walang lagkit at sustansya sa pagsasama ng dalawang magkarelasyon, dudumi ang kanilang pag-ibig at ito ay mahirap na sitwasyon.

Dugo at tubig, simbolo ng pag-ibig.
Hindi ba't mas maganda itong pakinggan?

Tulad na lamang ng pag-iibigan ni Ariella at Vlad.

Isang sirenang hindi mabubuhay ng walang tubig,

At isang bampirang hindi mabubuhay ng walang dugo.

Hindi hadlang ang kanilang pagkakaiba upang itigil nila ang nararamdaman sa isa't-isa.

Kapag ang pag-ibig na ang nagdikta, hindi mo na ito mapipigilan pa.

Dugo at tubig, magkaiba man ang kulay, ngunit kapag pinagsama, NAGIGING ISA.

Blood and Water
Written by Don_Caloy.

Please click the star below! Thank you. Enjoy reading.

 Blood and WaterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang