forty-seven pt 2

18.2K 448 43
                                    

Forty-Seven: The Note

'Pwede ba tayong mag-usap?'

I instantly shook my head as if he was seeing me at the moment. No. Not now. Hindi ko pa siya kayang harapin.

Inuntog ko ang ulo sa headboard. Ano bang pinasukan mo, CN? At hindi ko rin yan masagot. Kung pwede nga lang na ulitin ang kahapon, talagang babaguhin ko ang lahat. Bawat saglit.

Hindi ko alam kung anong oras na ako bumangon. Basta ang alam ko lang nang buksan ko ang mga mata ay madilim na. nakataas ang blinds ng bintana at wala nang nanggagaling na liwanag mula sa labas. Tumayo ako at sinilip ang oras, pasado alas siete na ng gabi.

Papunta na ako sa kusina nang maalala na kailangan ko pa palang tawagan sina lolo't lola. Inabot ko ang switch ng table lamp at in-on ito. I held my phone tightly. I could do this.

Pagkatapos huminga nang malalim, sinimulan ko nanag hanapin sa contacts ang number ni Lola. She was the better choice to call. Mas ginagamit niya ang cell phone kesa kay Lolo. Bago ko pa maisipang umurong ay pinindot ko na ang call button at inilapit sa tenga ang cell phone. Nagsimula nang magring at nagsimula na rin akong kabahan. Anong sasabihin ko sa kanila? Ano rin kaya ang irereact nila?

Sabi ni Mama, gusto nila akong makausap pero hindi ko pa rin talaga mapigilang di mag-isip ng mga negatibong bagay.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng boses. Pero hindi ang inaasahan ko. It was the call operator informing me to leave a voice mail.

Medyo nag-alangan pa ako kung gagawin 'yun o sa ibang pagkakataon na lang sila tawagan. Pero, naisip ko na baka sa susunod ay mawalan na ako ng lakas ng loob kaya't itinuloy ko na alng at nag-iwan ng mensahe sa kanila.

It was just a quick message, telling them I missed them, that I was doing okay. Humingi rin ulit ako ng tawad sa nangyari at sinabi na magiging proud din sila sa akin balang araw. At sa huli, sinabi ko na gusto ko na namimiss ko na sila at mahal ko sila.

When I finished, I felt better. Kahit pa hindi ko sila nakausap nang personal, para pa rin akong nabunutan ng tinik dahil nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin mula nang umalis ako at alam kong ilang sandali mula ngayon ay malalaman din nila iyon.

Hindi ko na nga iniisip pa kung anong magiging sagot nila doon o kung sasagot man sila. Ang mahalaga, nagawa ko na ang parte ko.

Tumuloy na ako sa kitchen para magprepare ng dinner. Binuksan ko na ang ilaw sa bahaging ito at kumuha na ng bigas nang mapansing wala ng laman ang lagayan nito. Okay. Why didn't I notice this yesterday?

Sighing, I went back to the bedroom area. Kinuha ko ang purse sa ibabaw ng mesa maging ang mga susi. Time to go to the grocery shop.

Lumabas na ako ng unit at di naiwasang sumulyap sa pintuan ni Slade. Hindi pa rin siya umuuwi at alam kong nandoon pa rin siya sa hospital para kay Hanzel. May bahagi sa akin na gusto na siyang makita para ipaalam na mas naiintindihan ko na siya ngayon. And maybe to finally show him the comfort that I should've shown him the last day.

Pero, may bahagi rin sa akin na hindi pa handa lalo pa't laging napapaalala sa akin ang katangahang ginawa ko kagabi. Kay Miles. And because of that, I didn't know if I could even look Slade in the eyes.

Inalis ko na ang tingin sa pintuan niya at naglakad na papunta sa elevator. Siguro, gagamitin ko muna ang panahon at pagkakataon na hindi kami magkasama para makapag-isip ng kung anong nararapat gawin. Kung ipapaalam ko ba sa kanya ang nangyari o hahayaan na lang na ibaon ito sa limot.

Nakarating na ang elevator sa 7th floor. Humakbang na rin ako papalapit, hinintay na bumukas ito. At nang mangyari iyon, hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan. Nanatili na lang nakatingin sa nag-iisang sakay ng elevator.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now