sixty-three

15.1K 437 44
                                    

Sixty-Three: The Real Witch

After talking to Miles, Lyra, and Frank, dumiretso na ako sa bahay. Our conversation ended with us clearing everything between us. Natanggap din nila ang hinihingi nila mula sa akin—kapatawaran. But what lingered on my mind until I got home was Miles' question: "What are you going to do with Kimberly now, CN?"

Sa totoo lang, hindi ko alam. Oo, sobrang nagulat ako sa natuklasan. I just didn't think that there was just a single person behind all of what had happened to me. At alam kong lahat ng iyon ay ginawa niya para kay Slade.

Sa pagkaalala kay Slade, mas bumigat ang nararamdaman ko. Naalala ko kasi kung papaano ako nagreact sa pagaakalang pinagtaksilan niya ako. How I didn't listen to him. Pero, masisisi niya ba ako? Anyone who would hear what I had heard that day would think the very same thing as I did. Would feel the same feeling as I did.

Pero 'yun nga lang ang pagkakamali ko, hindi ko siya pinakinggan.

Napabuntong-hininga ako. Naguguluhan na naman ako. Before I went back here in Manila, there was just one thing on my mind—finish the exam and go back to Baguio. Pero, pagkatapos ng lahat nang nalaman, nagulo na naman ang buong mundo ko.

Dahil ipinangako ko na sa sarili na magiging tapat kay Mama, agad kong sinabi sa kanya ang nangyari sa café oras na natapos ang dinner. I went to her room and asked for her time so I could tell everything. And I did. Pinakinggan naman niya ako.

"Am I wrong, Ma?" tanong ko nang matapos ikwento ang lahat. "Mali bang inisip kong magtiwala ulit? Dapat ba nanatili na lang ako sa dating ako, 'yung CN na laging mag-isa, 'yung walang ibang taong iniisip...para hindi ako naloloko, para hindi ako nasasaktan."

"It's not you, CN. Don't ever think it's your fault," tutol ni Mama. "Alam ko iniisip mo 'yan dahil sa nangyari sa Daddy mo at kay Jasper. But haven't you already understand why those happened? Like for example, sa Daddy mo, he left not because he chose to but that was his destiny—to leave this world early. At si Jasper, hindi ba't nalaman mo na ang dahilan niya?" Napatitig lang ako kay Mama. Huminga naman siya nang malalim. "CN, you have to understand that this worls is cruel, people around us will always disappoint us, hurt us, take us for granted. But also remember that in this unkind world, we could still be benign. Ayos lang masaktan anak, ang maloko, basta't hindi ikaw ang nanakit at hindi ikaw ang nanloko. And don't ever put revenge in your hand. Remember what I always told you when you're young? Repay evil with good. Because something bad can't be overcome with another bad."

At sa sinabing 'yun ni Mama, tila alam ko na kung anong sagot sa tanong ni Miles kanina.

-=-=-=-=-=-

Kinaumagahan, sinubukan kong ituon lamang ang atensyon sa lahat ng magiging exam ngayong araw.Pagkatapos n'un, saka ko na ulit iisipin ang tungkol sa mga problema.

At tila nagtagumpay naman ako, maayos kong nasagutan ang exam para sa unang klase; at sa pangalawa naman ay hindi ako ganoong nahirapan. May natira pa nga sa nilaang oras ng professor para sa pagsagot namin ng exam. Dahil pangalawang beses ko nang narebyu ang mga sagot ko, pinasa ko na ang papel at lumabas ng classroom.

I was done with my exams for the day. Pero alam kong malayo pa bago matapos ang araw. May kailangan pa kong gawin at hindi ko na dapat 'yun patagalin pa.

Heaving a deep breath, I made my way toward the elevator. Time to go to the place where I should be right now.

Nakatitig lang ako sa pintuang nasa harapan ko. Kanina ko pa pinipilit ang sariling kumatok pero hindi ko alam kung bakit at hindi ko magawa.

I blew out a deep breath. C'mon, CN. Just knock and let this be done.

After giving myself some pep-talk, I finally found myself knocking. Ilang beses ko ring ginawa iyon bago nakarinig ng yabag sa kabilang bahagi ng pinto hanggang sa mabuksan ito. At nang mangyari iyon, tumambad na sa harapan ko ang sanhi ng lahat ng gulong nangyari sa akin. Si Kimberly.

Bad for You (GU #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz