forty-four

22.6K 596 23
                                    

Forty-Four: Magic Words

I kept on checking my phone. Nasa taxi na ako pauwi ng Montereal Place at mula kaninang nagpaalam sa akin si Slade ay hindi na siya nagparamdam pa. I texted him asking if where he was but I didn't get a reply. Kanina, tinawagan ko siya pero hindi niya sinagot. Saan ba siya pumunta?

Nakatitig pa rin ako sa cellphone nang naramdaman kong huminto ang taxi. Nagkunot ako ng noo, tumingin sa labas at nakitang nasa labas na kami ng Montereal Place. Kumuha na ako ng pera mula sa purse at binayad ito sa driver. Pagkatapos kong makuha ang sukli ay lumabas na ako ng taxi at dumiretso sa loob ng buiding.

Pagkarating ko ng floor ko, inisip ko na dumaan muna sa unit ni Slade at tingnan kung nandoon na siya pero pinigilan ko ang sarili. Kung sakali man nandyan na siya, alam ko na gagawa siya ng paraan para kausapin ako. Isa pa, ginawa ko na ang part ko. I texted him, even called him yet I didn't get an answer. It was time for him to make his move.

Sighing, I walked towards my door and unlocked it. itinulak ko pabukas ang pinto at agad na napansin ang malamig na temperatura. Ang aircon. Naiwan ko bang bukas 'yun? Madilim sa loob, ibinaba ko kasi ang blinds kanina bago umalis. Kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto at nagka-ilaw na sa bahagi ng kitchen, sapat para lumiwanag ang kahalating bahagi ng kwarto. Sapat din para maaninag ko na may bulto ng nakahigang katawan sa kama ko.

Alam ko dapat nag-umpisa na akong kabahan pero hindi. Paano, alam ko namang dalawa lang ang maaaring makapasok sa kwarto ko. It was either Mom or Slade. And by the looks of it, I figured already who was now sleeping on my bed. Paano siya nakapasok? Naiwan ko na naman bang nakabukas ang unit ko?

Lumapit ako doon at binuksan ang table lamp sa gilid pagkatapos ay dahan-dahang umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. It was the first time I saw him sleeping and I couldn't hold back the smile from my lips. Bumata kasi siyang tingnan. He looked peaceful, too. I was still busy staring at him when he started to stir. Hindi ako umalis sa pwesto ko at patuloy lang na tinitigan siya. Nang buksan niya ang mga mata ay agad na nagtama ang mga mata namin. A knowing smile already took place on his lips.

"Hey," he greeted, his voice was hoarse from sleep. Iniangat niya ang ulo at isinandal ito sa headboard ng kama. "Kanina ka pa?"

Umiling ako. "Kararating ko lang," sagot ko. "So, what are you doing here?"

"Sorry. I just can't think of another place to go to."

His answered was vague. Hindi pa rin nito nasagot ang tanong ko kung bakit siya nandito at paano siya nakapasok. At gusto ko ring malaman kung saan siya pumunta buong maghapon. So I started to ask, "Naiwan ko bang bukas ulit ang unit ko?"

Agad siyang umiling at napakunot ako ng noo doon. Anong ibig niyang sabihin? Kung hindi ko naiwang bukas ang unit ko, paano siya nakapasok? Tatanungin ko na dapat yun nang makita kong may kinuha siya mula sa bulsa ng pants at nang ilabas niya ang kamay ay may hawak na siyang susi. Iniangat ko na ang tingin sa mga mata niya, tahimik na nagtatanong.

"It's yours," sabi niya. "Triplicate copy of your key. Naiwan sa bulsa ng pants ko. I was supposed to give it to you but I forgot about it. Kanina ko lang naalala nung wala na nga akong maisip na puntahan." He handed it to me.

Inabot ko naman ito. "Okay. Thanks."

That was when he lifted a brow, he gave me a questioning look as his eyes lingered on me. "That's it?"

"Huh?"

He shrugged. "I just thought you'd ask further."

I sighed. "You said you forgot about it. I believe you." It was the truth. After what happened on Drew's party, after Slade and I talked, I came up into a resolution that I would trust him. At base naman sa pagkakakilala ko sa kanya, lahat naman ng sinasabi niya ay totoo. At wala naman akong makitang dahilan para magsinungaling siya tungkol sa susi ng unit ko.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now