twenty-seven

27.3K 826 45
                                    

Twenty-Seven: Revelations

Hindi ako mapakali habang nakatingin sa pintuan ng classroom, hinihintay na pumasok si Miles. Kanina, pagkatapos niyang sabihin 'yung tungkol kay Slade at sa kuya niya, iniwan niya lang akong gulat na nakatayo sa harap ng comfort room.

Hanggang ngayon, gulat pa rin talaga ako. Tulala pa nga akong umakyat dito sa floor namin. Hindi lang talaga maalis sa isipan ko 'yung sinabi niya. His brother was dead and Slade was the reason of it. Paano? Anong nangyari?

There was a lot of questions running in my mind right now. And I needed answers, badly.

Napapikit ako. Hindi rin mawala sa isipan ko si Slade. I knew he was reckless, violent, dangerous even, but it never came to my mind that he could cause a death of someone. Pero, nangyari nga iyon at sa kapatid pa ni Miles.

What really happened?

Napamulat ako ng mga mata nang marinig na bumukas ang pintuan. Agad na napunta ang tingin ko dito at nadismaya na ang prof namin ang dumating. Hindi si Miles. Hindi na kaya siya papasok pa?

Somehow, I couldn't help myself but to feel worried about him. Ako kasi ang nag-open up tungkol doon. I saw how affected he was earlier. At hindi ko alam kung paano dini-deal ni Miles ang ganoong bagay. Siguro naman, hindi siya gagawa ng ikapapahamak niya, diba?

Pero, paano kung gumawa siya? Paano kung... Ugh! Now, every worst scenario was flooding my thoughts. Napatingin pa akong muli sa pintuan. Miles, please be here. Because if anything bad happens to you, I can't forgive myself.

And when I saw the door opened and Miles came in, I breathed a sigh of relief. Napahinto sa pagdidiscuss ang prof at lahat ng tingin ay napunta kay Miles.

"I'm sorry I'm late," sabi ni Miles doon sa prof.

Hindi sumagot ang huli at sinenyasan lang si Miles na pwede na siyang umupo. Nakatingin pa rin ako kay Miles pero siya, nasa baba lang ang tingin niya. Nang makaupo na siya sa tabi ko ay idiniretso na niya ang tingin sa harap.

Gusto ko sanang tanungin kung okay lang siya at mag-sorry tungkol sa nalaman ko kanina pero walang salitang gustong lumabas mula sa labi ko. Kaya't iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at ibinaling na rin ito sa professor namin, pilit na nakinig sa itinuturo nito.

Mamaya, kakausapin ko si Miles. Mamaya.

-=-=-=-=-=-

Nang makalabas ang professor, inihanda ko na ang sarili para kausapin si Miles. Pero magsasalita pa lang ako nang bigla siyang tumayo at nagmadaling naglakad palabas ng pinto.

I gaped. He was mad at me, I was sure of that. Nagbuntong-hininga ako at tumayo na rin. Maghahagdan 'yun, alam ko kaya maaabutan ko pa siya.

And I was right. When I managed to get out of our room and started to go downstairs, I saw Miles' back. Alam ko siya 'yun dahil sa bagpack niya kaya naman mas binilisan ko pa ang pagbaba para maabutan siya.

At habang nagmamadali ako, hindi ko naman maiwasang hindi isipin ang sitwasyon namin noon. Right then, it was him who would always go after me. Siya lagi 'yung naghahabol para kausapin ko, para maging kaibigan niya. Pero ngayon, nabaliktad na ang posisyon naming dalawa. I was the one who's chasing him.

Narating ko na ang ground floor at nakitang medyo malapit na ako kay Miles. I could scream his name to make it easier but I chose not to. Ayaw ko naman kasing makakuha ng atensyon ng iba. At saka hindi ako sigurado na kung gagawin ko ba iyon ay lilingunin niya ako. Mula sa pwesto ko, nakita kong may kumausap kay Miles kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon para makalapit sa kanya. Huminto ako nang maabot ko ang likod niya.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now