seven pt 2

31.4K 718 25
                                    

Seven: Dealing With the Devil

Days passed by quickly and before I knew it, Sunday na.

Pagkatapos ibaba ang duffle bag sa couch, pahiga akong bumagsak sa kama. Kakabalik ko lang sa unit ko and I was so tired.

Maybe, I should've just stayed here. That case, mas madami pa akong naaral. Ugh. It was too late to think about that now.

Tiningnan ko ang oras sa phone, 9.12 pm. I already had my dinner kina Tita Lanie bago ako umalis ng bahay nila.

Isa pa yun. Nasira ang diet ko sa bahay na yun. Paano, para kumain si Elton, kailangan ko ring kainin yung pagkain niya. Feeling ko tuloy ang laki ng ibinigat ko.

Teka, may fitness gym nga pala dito, doon sa eight floor. Actually, Montereal Place is an eight-storey building. Puro mga units from 1st to 7th floor, tapos doon sa 8th ay may fitness gym at swimming pool.

Maybe, it was the right time to explore this place.

Tumayo na ako at dumiretso sa dresser para kumuha ng damit pangworkout—t-shirt at yoga pants at pumunta ng en suite para magpalit.

Pagkalabas ko ng unit, agad na napatingin ako sa katabing kwarto. Nandyan kaya siya?

I shook my head. Naman, CN. Hindi mo dapat siya iniisip.

Inalis ko na ang tingin sa kwarto niya at naglakad papuntang elevator. Nang marating ko ang 8th floor, hinanap ko agad kung nasaan ang gym. Madali lang naman makita dahil clear glass ang double doors nito.

Mula sa labas, kitang-kita din na bakante ang gym. Buti naman. At least, wala akong kasabay.

Binuksan ko ang pintuan at agad na inikot ang mata sa lugar. Siguro, magtetreadmill na lang muna ako. Papunta na dapat ako sa kinaroroonan ng treadmill nang biglang matigilan nang mahagip ng mata ko ang paggalaw ng kung ano sa may bandang gilid ng gym.

Agad na dumako ang tingin ko doon at nagulat nang malamang di pala ako nag-iisa dito.

Because there he is, the last guy I'd like to see, doing some sit-ups on the bench.

Kapag minamalas nga naman, oo. Siguro sa ibang araw na lang ako magbabawas ng timbang.

Tatalikod na dapat ako para lumabas nang mapahinto dahil nakita ko siyang tumigil sa ginagawa. At imbis na magmadaling lumabas, parang napako ang rubber shoes ko sa kinatatayuan dahil hindi na ako makagalaw.

Nakita kong umupo na siya ng maayos sa bench then instantly, his gaze met mine.

We stayed like that, locking each other in some intense staring game.

Until, I decided to move my gaze away.

"You didn't show up," narinig kong sinabi niya.

I looked at him again, keeping my face focus on his eyes and answered, "I never said yes to you."

That made him smirk. Pagkatapos tuluyan na siyang tumayo. And I was surprised of what he did next—he removed his shirt right in front of me.

I know, dapat nag-iwas na ako ng tingin. Pero, ewan ko ba, parang may sariling isip ang mga mata ko at nanatili iyong nakatingin kay Slade.

At mula sa posisyon ko, kitang-kita ko kung paanong ang maliliit na butil ng pawis ay bumaba mula sa noo niya, papunta sa gilid ng mukha, sa leeg, sa dibdib, sa abs, hanggang sa mawala ito sa waistband ng short na suot.

I swallowed hard.

Fudgee barr! I just checked him out, again. Argh, CN!

Agad kong iniwas ang tingin bago pa man niya mahuli ang ginagawa ko. Pero, parang may mata siya sa gilid.

"Like what you see?"

Nagulat ako nang marinig ang boses niya.

Tinapatan ko ang tingin niya at sumagot, "I've seen better."

Medyo tumaas ng bahagya ang kilay niya, halatang di niya inaasahan ang sagot ko. Pero sandali lang yun, at bumalik na naman sa dati ang ekspresyon ng mukha niya, yung nakakaloko.

"Really, huh?" tanong niya. He sounded amused. Na tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko. After that, he turned serious and asked, "Why didn't you come?"

I grunted quietly. Nandito na naman kami sa usupang ito. "Diba nga sabi ko magkita tayo sa ibang lugar."

"Bakit ba ayaw mo sa unit ko?"

Natigilan ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang dahilan? Well, mas maganda na siguro kung sasabihin ko. At least by that, he'd know what the real issue is.

"Because I happen to know what's going on inside your unit every time you bring girls over," diretso kong sagot.

At natawa naman siya sa sagot ko. It wasn't an ordinary laugh, though. There was something about it that seemed devious. Parang may balak siyang gawin. At di yun maganda.

I was busy contemplating if what was it when he started to walk toward me. Bigla naman akong kinabahan, agad kong hinakbang paurong ang mga paa. He was like some predator stalking for his prey. And unfortunately, I was that poor victim.

Natigilan ako ng maabot ng likod ng mga paa ang malamig na pader. Fudgee barr! I was trapped.

He took that as an advantage. In three long strides, he reached me and caged me with his hands on each side of my head.

Ang lapit lang namin, sobra. Dama ko na nga ang init na nagmumula sa katawan niya.

Nagsimula ng magkuyom ang mga palad ko. Subukan niya lang akong gawan ng di maganda, makikita niya ang hinahanap niya.

His eyes bored into mine.

"And what's wrong with that?" he asked, a smirk was playing on his lips. "Are you disgusted with that idea? Or are you just afraid that you'll end up like them... with me in the bed?"

Unti-unting nagregister sa isip ko ang bawat salitang sinasabi niya hanggang sa naramdaman ko ang pag-init ng mukha.

"I hate you!" I spat at him.

Napailing lang siya.

"Well, I hate to break it to you, darling but the feeling's mutual," sabi niya at inalis na ang kamay sa pader. Lumayo na din siya sa akin.

Nagsimula namang manginig ang buo kong kalamnan. I feel like I wanted to hurt someone. Particularly, the devil standing in front of me.

Naglakad na siya pabalik sa bench na inuupuan niya kanina at kinuha ang bag na dala maging yung t-shirt na kakahubad niya lang. Hindi na niya ko tinapunan pa ng tingin nang maglakad siya papuntang pintuan.

Pero bago pa man siya makalabas, hinarap niya ulit ako. This time, seryoso na ang mukha niya. "If you want me to cooperate with the project, you know where to go."

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now