eighteen

27.4K 637 31
                                    

Eighteen: Acquaintance It Is

The whole week, I went with the same routine. Lunch with Kimberly. Pagkatapos naman ng klase, magkasama kaming pumupunta ni Miles sa boutique para sa costumes na gagamitin. Alfred and Shana were with us, too. Si Shana, dahil sa kanila 'yung boutique na pinupuntahan namin at si Alfred, well, sabi niya he was there to support Miles and me since he was our class president. But I doubted that especially when I found out he was courting Shana. Maybe, he was just using that as an excuse to be with her more.

To be with them was really awkward. Sa sasakyan papuntang boutique, silang tatlo lang ang maririnig na nag-uusap. May mga pagkakataon naman na sinubukan nilang kausapin ako pero panay one-liner lang ang nakukuha nila sa aking sagot. I wasn't really a talker.

Tapos si Miles.  Hindi pa kami nag-uusap. Ang totoo, pagkatapos ng nangyari nung Lunes, gusto ko siyang komprontahin. Gusto kong tanungin kung bakit niya 'yun ginawa—yung pagnominate niya sa akin. Pero naisip ko din na kahit gawin ko 'yun, wala din namang mababago. Ako pa din ang representative ng klase. Kaya hinayaan ko na lang.

Medyo nabawasan na din ang pagtingin sa akin ng kung sinu-sinong mga estudyante. Wala na din akong natanggap na note sa locker ko. Siguro, naisip nilang wala naman talagang namamagitan sa amin ni Slade dahil hindi na kami nakitang magkasama pa.

Ang totoo, buong linggo kong hindi nakita si Slade. Tanging yung table lang namin ang may bakante sa Philippine History class dahil absent siya. Hindi ko nga alam kung pumasok siya sa ibang klase niya. Baka nga absent yun buong linggo e. Na-stuck siguro kung saanman siya pumunta nung weekend.

At hindi ko din alam kung bakit ko ba siya iniisip. Hindi ba't sinabi kong titigilan ko na ang pag-iisip tungkol sa kanya? Pero, heto na naman ako. Ugh.

You should really stop this, CN.

I blew out a deep breath. It was Saturday at naubusan na ako ng gagawin. Napatingin ako sa libro sa table. Natapos ko na halos lahat ng exercises sa dalawang chapter. Sobra-sobra na nga ang naaral ko. Napatingin ako sa oras, pasado alas tres pa lang ng hapon. Suddenly, I felt like going out. Parang mababaliw na 'ata ako mag-isa dito sa kwarto ko. Maybe, I could go to the mall, look for a book or something.

Making up my mind, I stood up and went to my cabinet and picked a jeans and shirt.

-=-=-=-=-=-

Pagdating ko ng mall, ang una kong pinuntahan ay ang bookstore. I was looking at this certain book when I felt a presence beside me. Hindi ko dapat siya papansinin kung hindi ko lang nakita mula sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. I moved my eyes from the book to take a look at him. And when I did, I gasped. No way. Anong ginagawa niya dito?

"Hi," bati niya tapos ngumiti, yung tulad ng huling beses ko siyang nakita. And the appalled feeling was back as I remembered his words at the bar.

I tried to shake it off and keep my cool. "Tyler, right?"

Mas lumapad ang pagkakangiti niya. "So you remember me, Slade's girl."

"I'm not his girl," pagtatama ko sa sinabi niya.

"A friend then?"

Hindi ko na lang siya sinagot at ibinalik ang libro sa shelf. I wanted to get out of here. I reluctantly dragged my eyes to him. "Um, nice seeing you here but if you don't mind, I need to go. Bye."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Tinalikuran ko na siya at nagmadaling naglakad palabas. Pero hindi pa ako nakakalayo ng exit nang marinig ang malalakas na yabag mula sa likuran ko. Fita. Sinundan niya ako. I was about to run when I heard him call me.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now