sixty-one

13.5K 396 39
                                    

Sixty-One: Making It Right

Lunes na nang umaga nang makarating ako ng Baguio. Magkatapos bumili ng toothbrush at toothpaste sa nakitang covenient store, pinuntahan ko na ang ospital kung nasaan si Lola. After getting her room number from the reception, I didn't know what to do next. Gusto ko na siyang makita pero natigilan ako, naalala ang dahilan kng bakit nandito siya ngayon. It was because of me and I was afraid of how she and Lolo would react.

Paano na lang kung ipagtabuyan nila ako? I don't even know if I could handle a rejection from them now. Pagkalipas nang matinding pag-iisip, sumakay na rin ako ng elevator at pinuntahan ang floor kung nasaan naka-confine si Lola. At nang marating iyon ay nilakasan ko na lang ang loob at tinahak ang daan papunta sa kwarto niya. But when I found it, hesitation was back again. Isama pa na inatake na naman ako ng hiya, takot.

Kaya doon sa labas ng pinto ng kwarto ni Lola ay natigilan ako. Nakatayo lang doon habang nakatitig sa tatlong numero na nasa pinto. You can do it, CN. Just do it.

Even with that encouraging voice inside my head, I still didn't move. Wala akong ginawa. At nang nakita kong unti-unting bumukas ang pinto ay natuluyan na akong naduwag; agad akong naglakad patungo sa dulo ng hallway sa hindi kalayuan at doon nagtago. Hindi ko rin natiis at sinilip kung sino ang lumabas ng pinto.

And I didn't know if I would feel relieved or disappointed to see it was the nurse and not Lolo. Tama namang dumaan sa gawi ko ang nurse ni Lola, kinuha ko na ang pagkakataon at kumuha ng impormasyon mula sa kanya.

"Hi, excuse me."

Agad naman itong napatingin sa akin, magalang na ngumiti. "Yes Ma'am?"

"Nakita ko kasing galing kayo sa room 412, pwede ko bang malaman kung kumusta 'yung pasyente sa loob?"

"If you don't mind but how are you related with the patient?"

"I'm her grandaughter. CN Santana," sagot ko.

Doon ay biglang lumapad ang pagkakangiti ng nurse. "Oh! Kayo po 'yung nabanggit ni Sir Santana." Tumaas ang kilay ko sa pagbanggit niya kay Lolo pero sa loob ko ay nakaramdam din ako ng pag-asa. He mentioned about me. Could that be a good sign? "Mukhang kahapon ka pa po nila hinihintay na dumalaw, Ma'am."

Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng kakaiba doon at unti-unting naglaho na ang mumunting pag-asang sumibol kanina. Ano naman kasi ang maaaring maging dahilan kung bakit nila ako hinihintay? I could only think of one—confront me about the pictures.

Nagtanong pa ang nurse kung may kailangan ako, inulit ko ang tanong kanina at sinabi naman niyang medyo stable na si Lola. Ngunit, kailangan pang magsagawa ng further tests para malaman talaga ang totoong lagay niya.

Matapos niyang sabihin 'yun ay nagpaalam na siya. Umalis na ang nurse pero nanatili pa rin ako sa pwesto. I looked once more at Lola's room. I shook my head. I still needed a little bit more of courage to go there.

But as I was to turn around, the door, once more, opened. At sa pagkakataong ito, hindi na talaga ako nakagalaw para tumakbo o magtago. In a good meter distance, I saw Lolo stood there, also frozen at the room's doorway, eyes were on me. And then I had the urge to cry again. Ewan ko ba. Nang makita kasi siya, naalala ko na naman ang atraso sa kanila.

But then he did something unanticipated, he smiled on me. Hindi inaalis sa akin ang tingin, dahan-dahan na niyang sinara ang pinto ni Lola saka naglakad papalapit sa akin.

When he reached my place, a sigh escaped him then he said my name, "CN."

"Lolo," I then started to cry. Hindi ko alam. Siguro marahil hindi ko inaasahan na kalmado niya kong kinakausap ngayon.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now