nine

31K 704 16
                                    

Nine: Memories, Memories

"Last day na bukas ng summer vacation, can you believe that? Seniors na tayo," masayang sabi ko kay Jasper—ang bestfriend ko. Pareho kaming nakahiga sa may duyan sa likod ng bahay nila.

Pero nagtataka ako nang hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa pag-ikot ng daliri sa hibla ng buhok ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya at nakitang nakatingin siya sa malayo, parang napakalalim ng iniisip.

"Jas," tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ang balikat niya. "Jas."

"Huh?" gulat niyang tanong at tumingin na din sa akin.

Niliitan ko siya ng mata. "You're spacing out. May problema ba?"

Ngumiti siya sabay sabing, "Wala. May bigla lang akong naalala. Ano pala yung sinabi mo?"

Nakangiti naman siya habang sinasabi niya yun pero ewan ko ba, parang may mali. Lalo pa't iba ang ngiti niya, hindi kasi nito naabot ang mga mata niya.

Dapat, naniwala na ako kaagad sa pakiramdam ko noong nasa may duyan pa lang kami dahil kinaumagahan, hindi ko na nakita pa si Jasper. Umalis sila ng buong pamilya niya at walang nakakaalam kung bakit. At tanging iniwan niya lang sa akin ay isang sulat.

Sulat na hanggang ngayon ay di ko pa din nababasa.

I looked at the envelope once more. Sa likod nito ay nakasulat ang pangalan ko in cursive letters—Celestine.

I smiled bitterly as I felt a tear escape my left eye. Agad ko itong pinunasan. I trusted Jasper so much. Real darn much. He was the first person I let to call me Celestine after my father died because for me, he was so special. And he told me I was special, too.

Pero anong ginawa niya? He left without me knowing it.

Binalik ko na ang envelope sa black box, tinakpan ito at inilagay sa pinakaibabang drawer. Tumayo na ako sa couch at dumiretso sa kitchen. Binuksan ko ang fridge, puno na ito ng groceries na binili namin ni Mama kanina. Kinuha ko ang fresh milk at isinara na ito.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng gatas dito. Kailangan kong magpaantok.

Pero hindi maaalis sa isipan ko ang sunod-sunod na nangyari nitong nakaraang linggo. Kaya ako pumunta ng Manila para maghanap ng katahimikan, kapayapaan. But looked like it wasn't happening. And I was getting the opposite instead.

Mula kay Slade, kay Miles, at sa mga classmates kong nababaliw sa kanila.

Ugh. At least there was someone tolerable—si Kimberly. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt nang maalala ko siya. Paano, kanina, hindi na ako sumunod pa sa kanya sa cafeteria at pumunta sa likod ng school building kung nasaan nandoon ang park. Kahit na may mangilan-ngilang mga tao doon, I found a spot na medyo secluded sa ilalim ng puno.

At doon ko pinalipas ang buong break time.

I sighed. Ni hindi ko na nga nakita si Kimberly nang bumalik ako ng school building gayong inaakala ko na pupuntahan niya ako sa room namin pero naalala kong wala na pala siyang pasok.

Now I wondered if she's mad of what I've done.

I shook that thought away. So what if she is. That's much better. I mean I don't have to deal with her anymore kapag nagalit siya sa akin.

And by that, I'd be definitely alone. Alone. Like what I've planned.

Inubos ko na ang lamang gatas ng baso ko at inilagay na ito sa sink pagkatapos. I yawned. Finally, sleep was kicking in. Effective talaga ang fresh milk na pampatulog.

In-off ko na ang switch ng ilaw at dumiretso ng kama.

-=-=-=-=-=-

Nang gumising ako ay puno ng kadiliman ang paligid. I sat up on the bed and was about to check my phone when suddenly there was a blinding light. Agad kong itinakip sa mga mata ang dalawang kamay. What was that?

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now