thirteen

31K 772 58
                                    

Thirteen: Bad Boy in Pink

When Slade said I needed to be close with him, I didn't think he was talking about this close.

Mula kasi nang pumayag ako sa kondisyon niya ay nakipagsiksikan na kami sa pulutong ng mga tao papasok ng tren habang hawak-hawak pa din ang kamay ko. He found a spot somewhere in the middle of the train where he could safely tuck me in. Habang ako ay nakasandal doon ay pumwesto naman siya sa harap ko. He pressed both of his hand on the wall behind me, caging me in.

And I really don't appreciate this position. I could feel his breath on the side of my head and the heat radiating off his body. I could even smell him.

And that's how close we are right now.

I kept my eyes on the side, trying my best not to look at him. Kasi alam ko namang kapag tumingala ako, halos wala ng distansiya ang mga mukha namin.

"Are you okay in there?" I heard him ask.

I nodded. Komportable naman yung lugar ko. Hindi nga makadikit sa akin yung dalawang kuya sa magkabila kong gilid dahil nakaharang ang kamay ni Slade. The only thing that made me slightly uncomfortable was his presence near to me.

Nang magsalita na ang announcer na malapit na ang next station, nagsimulang magsigalawan ang mga tao. Na siya namang dahilan para maitulak sa akin si Slade.

He tried to shift on his position, moving a little away from me. Pero ang bawat paglayo niya ay siya namang pagbalik niya papalapit sa akin dahil sa mga tao. At nang huminto ang tren, doon na nagkagulo dahil nag-unahan ang mga tao para makalabas.

And the next thing I knew, Slade was tightly pressed against me. His left hand was no longer on the wall but holding my waist. His head on the side of mine. Halos magkadikit na nga ang katawan namin kundi lang dahil sa sling bag kong suot.

I was still holding my breath when I heard the announcer again. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya pero sapat na yun para bumalik ako sa realidad.

I moved my eyes past Slade's shoulder and saw that there was already a space behind him.

Nawala na din yung dalawang katabi ko. Tanging ako na lang ang nakasandal dito.

"Slade," tawag ko sa kanya. Ugh. Bakit hindi pa siya umaalis?

He just hummed in answer.

I put my hand between us. "Slade, you can move now. Maluwang na diyan sa likod mo," sabi ko at inilagay pa ang kamay sa may bandang tiyan niya para itulak siya.

But to my dismay, he didn't budge. At hinihiling ko naman ngayon na sana hindi ko na lang siya hinawakan doon dahil parang ayaw ng umalis ng malanding kamay ko kung nasaan ito ngayon. Argh.

I heard Slade chuckle. "Like what you feel?"

I closed my eyes and groaned. Inalis ko na din ang kamay sa katawan niya.

"Just move, Slade."

"I don't want to. It's comfortable here," he said then I felt his head dip on the side of my neck. Ramdam ko na ang ilong niya sa may leeg ko.

And I groaned, again. This time literally. Ano bang ginagawa niya?

Ibinalik ko na naman ang kamay sa may tiyan niya at tinulak siya. "Kapag hindi ka umalis, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," banta ko at inihanda na ang paa ko. Hay. Kapag hindi talaga siya umayos, makakatikim siya sa akin.

Tumawa ulit siya pero inangat na niya ang ulo niya. He looked at me for the last time then slowly retracted his hand away from my waist. Lumayo na din siya sa akin at pumwesto sa bandang gitna.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now