four

38.5K 862 63
                                    

Four: Meet the Bad Boy

Gainesville University. It was the newest university in the Philippines today. Bago pa lang pero mabilis na nakilala because of the known businessmen who own this school. Idagdag pa na ang mga anak nila ay dito rin nag-aaral. Give it a year or two, it will be one of the most known universities in the country.

Five years din akong mag-aaral dito. And today is the first day of school. Mixed feelings ang nararamdaman ko pero nangingibabaw ang excitement.

Habang may ngiti sa aking mga labi, naglakad na ako papasok ng school. Huminto ako sa gitna ng school ground at tumingin sa schedule ko. Craeton Building, 3rd floor, room 312. Saan kaya 'tong building na ito?

Hay. Bakit ba kasi hindi ko na 'to tinignan nung kinuha ko yung schedule ko last Saturday? Paano it was so late when I came here. Like it was nearly five in the afternoon. Kamuntik pa nga akong masarhan ng registration office eh. Paano kasi, natagalan akong makipagtalo dun sa magaling kong kapitbahay na siya din palang nagmamay-ari ng Montereal Place.

Napasimangot ako habang inaalala ang nangyaring pag-uusap namin. Ginawa naman niya yung sinabi niya. For two nights, okay naman na ang tulog ko kaya di na din ako tuluyang umalis. Pero after that talk, hindi ko na din siya nakita pa. I don't know. Maybe he's in his girlfriend's place since I kind of banned them having a 'good time'. Yes, good time. Yan na ang pinalit ko sa three-letter nasty word kasi masyadong mahaba yung huli.

Hay. Hinto na nga sa pag-iisip sa lalaking yun. I still have a class to attend to at di ko pa alam kung saan ang makikita ang building ng room ko.

Maglalakad na dapat ako papunta sa grupo ng kabataan na nakita ko malapit sa flagpole para magtanong nang may nakabangga sa akin at nahulog ang dala ko.

Pinulot ko ang notebook at dadamputin na din dapat ang sched ko nang may dumampot na nito.

Tumayo na ako ng maayos at sumunod naman yung babaeng nakapulot ng sched ko. She looked okay. Morena, medyo maikli ang itim na buhok na umabot lang hanggang sa leeg niya.

"Sched mo," sabi niya ng nakangiti at inabot sa akin ang papel. Kinuha ko naman ito. "Sorry ha, di kasi kita napansin."

I smiled back. "No worries."

Mas napangiti pa siya. "I see sa Craeton Building din ang punta mo, gusto mo sabay na tayo?"

Lihim akong napangiti. Tignan mo nga naman ang swerte, di na ako mahihirapang maghanap ng buiding na 'to. "Sure."

"I'm Kimberly, by the way," pakilala niya at inalok ang kanang kamay.

"CN," sagot ko at inabot ang kamay niya.

"Cool name," sabi niya pagkatapos naglakad na. Sinundan ko na naman siya.

Ngumiti lang ako.

"Freshman ka?" tanong niya ulit.

Sinagot ko ulit siya ng tango. "Ikaw?"

"Sophomore," nakangiti niyang sagot. And now I could say she's really bubbly. "Anong course mo?"

"Accountancy," tipid kong sagot.

"Wow," komento niya. "Medyo di nagkakalayo course natin, I'm taking Financial Management."

Nginitian ko lang siya at di na nagsalita pa.

"Doon yung building," sabi niya at tinuro ang may anim na palapag na gusali sa di kalayuan. It was a six-storey building painted in white and blue.

Naglakad na kami papalapit dito kasabay ng mangilan-ngilang estudyante. Pero hindi pa kami nakakalapit ng tuluyan sa building nang may umagaw ng atensyon ko. Doon sa parking area malapit sa building, nagsisimula ng magkumpulan ang mga taong nanonood ng di ko alam kung ano.

At bago ko pa malaman, may humawak sa kamay ko at hinila ako papunta doon.

Binitawan na din ni Kimberly ang kamay ko nang makalapit kami. "Oh no! He's at it again," narinig ko pang sabi niya pero hindi ko na yun pinansin dahil ang mga mata ko'y nakatuon na sa lalaking nakahandusay sa semento.

Medyo maga na ang ibang parte ng mukha niya tapos yung suot niyang puting polo ay narumihan na ng pinaghalong alikabok at dugo.

Inilipat ko ang tingin sa lalaking kaaway niya. Likod niya lang ang nakikita ko. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at maong.

Maya-maya pa, unti-unti ng bumangon ang lalaking nakahiga. Pero bago pa siya tuluyang makabangon, lumapit na yung nakajacket at hinawakan siya sa collar ng polo at hinila patayo. Pagkatapos ay sinuntok sa dibdib at sinutok ulit. Isa pa muli, sunud-sunod, hanggang sa matumba ulit yung lalaking nakaputi malapit sa kinatatayuan namin.

I looked around. Dumami na ang mga tao pero halatang walang gustong tumulong o kahit umawat man lang. At saka bakit wala pang lumalapit na guard? Wala din bang nakapag-isip magreport? Ugh. Anong klaseng mga tao 'to?

Bumalik ang tingin ko sa nag-aaway at nakita kong lalapitan na naman nung nakaitim yung nakaputi. At nang makita ko ng mabuti ang mukha nung lalaking nakaitim, nanlaki ang mga mata ko. It was my neighbor. Slade.

At ibang-iba ang itsura niya ngayon. It was far from that playful jerk I've remembered.

His jaw was stiff. His fists were clenched and his eyes, they were freezing cold.

And his aura screams only one thing, danger.

Malapit na siya dun sa lalaking nakaputi. Wala ba siyang balak tigilan yung lalaki? Sobra na yung damage na nagawa niya and I even wonder kung buo pa yung mga buto ng kaaway niya. Hinablot niya ulit yung collar ng lalaki tapos hinila ito. Inihanda na naman niya yung kamao niya.

Nakita kong itinaas na niya ang kamay. And I feel like I needed to do something.

Kaya naman bago pa man kumonekta yung kamao niya sa anumang bahagi ng katawan nung lalaki, gamit ang alam kong pinakamalakas na boses, sumigaw ako, "Stop!"

Suntok sa buwan lang ang sigaw na yun. Di ko nga alam kung mapipigilan ba nun si Slade. Pero nang makita kong nakalutang lang sa ere ang kamay niya habang ang mga mata ay nakatingin sa akin, somehow, nakahinga ako ng maluwag.

Unti-unting bumaba ang kamay niya tapos binitiwan niya na din yung lalaki pero yung mga mata niya, hindi pa din inaalis sa akin. At nagsimula naman akong atakihin ng kaba. Pa'no kung sa akin siya gumanti? Pa'no kung ako yung suntukin niya?

At nadagdagan pa ang kalabog ng puso ko nang makitang unti-unti na siyang naglakad at papunta na sa pwesto ko. Oh no, fudgee bar! Ako na nga ang patay dito.

"Um..." umpisa ko pa lang pero iniwas na ni Slade ang tingin sa akin at nilagpasan niya ako at nagpatuloy lang sa paglakad papalayo.

Ano yun? Bakit parang umakto siyang walang nangyari? Ni hindi nga niya ako pinansin. Bakit?

Abala pa din ako sa paghagilap ng kasagutan para sa mga tanong na yun nang may humawak sa braso ko. Napatingin ako kay Kimberly.

"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong.

Tumango ako tapos inikot ang tingin sa paligid. Nandoon pa din yung mga estudyante at lahat sila ay nakatingin sa akin. Fudgee bar!

Binalik ko ang tingin kay Kimberly at hinila siya. "Pasok na tayo."

"Ang tapang mo ha," dinig kong komento ni Kimberly. Paakyat na kami ng hagdan. Iniwasan ko talagang magelevator kasi makakasabay ko yung ibang estudyante. Medyo naiilang kasi ako nung tignan nila ako kanina. Sa tingin kasi nila, parang may krimen akong ginawa.

"I just did what a normal person would do," sagot ko at tinignan siya. Nakita ko naman siyang napasimangot. Obviously, natamaan siya sa sinabi ko. Pa'no naman kasi, kakaiba ang mga estudyante dito. Tama ba namang walang umawat sa gulo kanina?

"Bago ka nga pala," sagot niya sabay buntong-hininga. "Kaya di mo kilala si Slade. At kung kilala mo siya, sigurado akong hindi mo gugustuhing makialam sa away niya."

Napakunot naman ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong.

"Yung kanina, normal na lang yun kung si Slade ang pinag-uusapan," paliwanag niya.

"Fights, violence, breaking the rules, that what he's into," sabi pa ulit ni Kimberly tapos matiim akong tinignan at saka nagpatuloy, "And no one dares to oppose him because Slade Montereal is the campus' notorious bad boy."

~*~

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now