sixty

12.1K 351 34
                                    

Sixty: Going Back

Ilang sandali ko pang tinitigan ang mga litratong nakakalat sa sahig bago tumungo at isa-isang pinulot ang mga ito. Ang mga ito'y pamilyar maliban sa iba na ngayon ko lang nakita. They were the same pictures that were sent to Slade. Ang mga bago ay kuha mula noong birthday ni Tyler sa 8ight. Specifically, the time when I was sitting on the bar, drinking, and when I was on the dancefloor, dancing with some random guy.

Kahit puno ng takot, itinaas ko pa rin ang tingin kay Mama. She was wearing the same expression as earlier. Pero ngayon ay may nadagdag ng pagtatanong. I was about to talk when the elevator dinged. Napunta ang pareho naming tingin doon at nakita 'yung maintenance guy na lumabas mula sa elevator.

Hindi ko pa nababalik ang tingin kay Mama nang marinig na magsalita siya, "Inside."

At nauna na siyang pumasok habang ako naman ay naiwan sa pinto na magulo pa rin ang isipan sa sobrang daming nangyayari.

Nang maisara ko na ang pinto, nakita kong nakatayo si Mama sa gilid ng sofa, ang bag ay nandoon sa ibabaw.

"So?" she asked, her voice was stern. "Is it you in those pictures, CN?"

Nagsimula ko nang maramdaman ang mga luha sa gilid ng mga mata. "Ma, I can explain—"

"Just answer my question!" She roughly cut me off. "Ikaw ba o hindi?"

Napahinga ako nang malalim pagkatapos ay sumagot, "Ako po."

She let out an exasperated sigh. "Pinagkatiwalaan kita, CN. Pinayagan kitang makaalis sa poder ng lolo't lola mo kasi naniwala ako na kaya mong mag-isa. That you won't do something terrible. That you know what's right from wrong and then, this?" Napabuntong-hininga na naman siya. "What happened to you? Is this why you wanted out from the hands of your grandparents? To do things like these? Ang maging pakawala, ha?"

Umiling ako, gustong ipagtanggol ang sarili, ipaliwang ang lahat ngunit hindi ko mahanap ang mga salitang dapat sabihin.

She then started to cry. "Are you even my daughter? That sweet, good CN I know? Because it feels like I do not know you anymore. Is this your way of rebelling against me? Dahil hindi kita nasamahang lumaki kasi malayo ako sa'yo? Then you should've told it me before and didn't act like everything's okay. I was calling you everytime, CN. Even tried to go home every year just to see you. Bakit hindi ka nagsabi noon na may problema?"

"Walang problema, Ma," sa wakas ay natagpuan ko na ang boses ko.

"Then what are these? Why are you doing these?" came her raised voice again.

At bumalik na naman ako sa pag-iling sabay ng pagtungo. Hindi ko lang alam talaga kung paano ipapaliwang ang lahat. At siguro dahil sa punong-puno na ang isipan ko ng mga problema na hindi ko na alam kung paano pa iintindihin ang mga ito, natagpuan ko na ang sariling umiiyak.

"I'm sorry," and those were the only words I could say.

"You're sorry?" ulit ni Mama. "Sana kayang ayusin ng sorry mo ang lahat, CN. Sana kayang alisin ng sorry mo ang Lola mo ngayon sa ospital."

Sa sinabing iyon ni Mama ay agad akong napatingin sa kanya; at alam kong nabasa niya ang pagtatanong sa mga mata ko.

"Yes, you heard it right, CN," she confirmed. "Your Lola's in the hospital now. 'Yun ang dahilan kung bakit maaga akong umuwi. Your Lolo called and told me your Lola had a heart attack. I flew back here immediately and what a surprise nang malaman ko kung anong dahilan."

At that, my mind started to work, searching for its own answer. At nagsimula akong makaramdam nang nakakatakot na uri ng kaba nang makaisip ng sagot. No, it couldn't be...

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon