forty-seven pt 1

15.6K 478 17
                                    

Forty-Seven: The Note

"Is there a date you aren't telling me about, CN?"

Napataas ang kilay ko sa tanong na 'yun ni Mama. We were here now at some diner. Kaninang alas sais ng umaga ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya, sinasabing magkita na lang kami sa labas dahil hindi na siya makakapunta sa unit. At muntikan ko nang piniling hindi siya siputin. What a nice daughter, right? Paano, nang humarap ako sa salamin ay hindi ko naibigan ang nakita. I looked like a mess. No, that was an understatement. I looked worse than that.

Pero kahit pa gaano kasama ang itsura ko, hinding-hindi pwedeng hindi ko siputin si Mama. She would ask why, what happened, then I would end up telling her everything. And that was a good thing right now.

Kaya naman ginawa ko ang makakaya para takpan ang estado ng mukha ko gamit ang make-up kit na hindi ko naman nagagalaw. Did it work? Base sa bungad ni Mama sa akin, mukhang oo ang sagot.

"Hello there, my dear mother," sagot ko tapos ay lumapit sa kanya at binigyan siya ng beso, hindi na pinansin pa ang tanong niya.

Humiwalay ako at nakitang binibigyan niya pa rin ako ng tingin tulad ng sa kanina. She wouldn't let it go. Napailing ako. "It's not what you're thinking, Ma."

Doon na siya natawa. "Well, it's not just usual thing to see. Not that I didn't like it. Sa katunayan pa nga ay natutuwa akong makita kang ganyan." She sighed. "Sa wakas, ginamit mo na rin ang mga binigay ko sa'yo. Akala ko kasi ay mae-expire na lang yun nang hindi mo nagagamit. Anyway, take your seat. Parating na siguro yung in-order ko."

Laking pasasalamat ko na hindi na inusisa ni Mama ang tungkol sa itsura ko. Nagtanong lang siya sa katatapos na exams. Ilang sandali pa kaming nag-usap hanggang sa dumating na rin ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain.

Nasa kalagitnaan na kami nang biglang nagsalita siya. "Your grandparents visited me last Friday."

Napahinto ako doon at napatingin kay Mama. Hindi ko inaasahan na maririnig 'yun. Simula kasi nang umalis ako sa Baguio, wala na akong balita pa sa kanila. I knew they were still mad at me because of what I did. Because I chose not to obey them and follow my own dream. "Ano pong balita?"

"They miss you." She smiled. "I know gusto ka nilang makausap, but you know how stubborn your Lola is, she will not make the first move."

Napangiti ako nang bahagya doon. Yes. Alam na alam ko 'yun.

"You should call them, CN," payo ni Mama. "Alam ko kung paano naging mahirap sa'yo ang nangyari but they're still your grandparents. They need to know how are you doing kahit pa lagi na nilang tinatanong sa akin. Alam ko, gusto pa rin nilang marinig mula sa'yo na okay ka. That you're doing good."

Suddenly, I felt like crying. Bigla kong naisip na parang ang sama kong apo. Simula nang makarating ako sa Manila, hindi ko man lang sila kinamusta. Kahit pa sabihing may sarili akong dahilan gaya nang baka ayaw lang nila akong makausap, na galit pa rin sila. Tama si Mama, dapat naisip ko man lang na kumustahin sila. I nodded at my mother. "I will, don't worry."

Nanatili pa kami sa diner nang ilang sandali hanggang sa nagpaalam na si Mama para umuwi ng Baguio. Umalis na rin ako. Kailangan ko nang makabalik sa unit ko at nang matawagan sina Lola. Pero, malapit pa lang ako sa escalator ng mall nang mayroong hindi inaasahang makita.

"CN," bati sa akin Melissa, nakita kong galing siya sa kaaakyat pa lamang na escalator. Ilang hakbang lang at naabot niya na rin ako. Anong ginagawa niya dito?

"Hi," kimi kong bati.

Ewan ko, nang makita ko kasi siya ay parang bumalik na naman ang lahat ng nangyari kahapon. Not that I didn't forget about it. Kanina ay magandang distraction na kasi si Mama at ang tungkol kina lola para makalimutan ko iyon pansamantala. At ngayon ngang kaharap ko si Melissa ay parang naulit na naman ang lahat.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now