thirty-five

24.1K 588 34
                                    

Thirty-Five: Friends

It has been four days since I last talked to Slade in his unit. Yes, four days.

Well, nothing happened. We weren't able to finish our talk because Tyler came with my bag. I still clearly remembered how he looked at me the moment he saw me.

There wasn't a hint of surprise in his eyes. It was like he was expecting me to see in Slade's unit with the latter's clothes on me. Ang nakita ko sa mga mata niya ay pang-aasar. Good thing, though, he didn't speak a word. Pagkatapos niyang maihatid ang mga gamit ko, agad na rin siyang umalis.

And after that, Slade, seemingly, started to become cold. Napansin kong lumalayo na siya. Binibigyan niya kaming dalawa ng distansya. Ni hindi na nga siya tumingin sa akin nang matagal. Halatang iniiwasan niya ang tingin ko. At kahit nung nagpaalam ako at nagpasalamat para sa ginawa niya, ganoon pa rin ang timpla niya. Tango nga lang ang tanging isinagot niya sa akin.

At bumalik ako sa unit ko nang mabigat ang pakiramdam, inaalala pa rin ang pag-uusap naming hindi natapos.

Pagkatapos noon, bigla na lang dumaan ang mga araw. Inabala ko ang sarili sa pag-aaral dahil examination week na. Pero, sa mga pagkakataon na hindi na ako abala, lagi na lang pumapasok sa isipan ko si Slade. Naalala ko na naman yung pag-uusap namin. Iniisip ko kung iyon na ba yung huli. Kung ibig bang sabihin n'un ay hindi na kami mag-uusap pa. If that was it. Na hanggang doon na lang kung anuman ang meron kaming dalawa.

Base sa mga nangyayari nitong nakaraang araw, parang ganoon nga. He was avoiding me. Ni hindi ko nga siya nakita. Wala na rin akong natanggap kahit isa man lang na text galing sa kanya. Hindi ko maramdaman ang presensya niya. Na kahit pa isang pader lang ang pagitan naming dalawa, pakiramdam ko ang layo-layo namin sa isa't isa.

At ayaw ko sa ganitong pakiramdam.

Napabuntong-hininga na naman ako pagkatapos ay napatingin sa pader ng kwarto. Iniisip ko kung nandyan ba siya sa kabilang bahay. At kung nandyan nga siya, ano kayang ginagawa niya? Naiisip niya kaya rin ako gaya ng pag-iisp ko sa kanya ngayon?

O baka naman hindi.

Napasimangot ako. Inalis ko na rin ang tingin sa pader. I felt that pang again. Ugh. Why do I keep on feeling this?

Napabuntong-hininga ako. Siguro, kailangan kong may ibang gawin para hindi ko na siya maisip. Parang gusto kong bisitahin ang pool. Baka sakaling mapanatag ang isipan ko kapag nakita ko yung asul na tubig nito.

Tumayo na ako sa kinauupuan at naglakad papuntang pintuan. Binuksan ko na ang pinto ngunit hindi na ako tuluyan pang nakalakad palabas dahil sa nakita. Huh? Mayroong kulay brown na paper bag sa harap ng pinto ko. My heart hammered against my chest. May pakiramdam ako kung sino ang nag-iwan nito dito pero ayaw kong umasa.

Tumungo ako at kinuha ang paper bag. At nang silipin ko kung anong laman nito, doon ko pa lang nakumpirma ang kutob ko. Siya nga. Inabot ko ang itim na dress mula sa loob. My dress. The dress I wore last Saturday. The same dress he stripped off me. Ugh. Seriously, CN?

I shook my head and pushed that thought away. Ibinalik ko na ang damit sa loob ng paper bag at napasulyap sa kabilang pinto. Why didn't you knock, Slade? Bakit basta-basta mo na lang iniwan ito dito? Ganoon mo ba kaayaw akong makita?

Napailing na lang ako. Inalis ko na ang tingin sa kabilang unit at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa cabinet, binuksan ito saka inilagay sa loob ang paper bag. Mamaya ko na yan aayusin. Pasara na ako ng cabinet nang mapunta ang mga mata sa puting long sleeves. His shirt. Hindi ko pa pala nababalik iyon. Pati na rin yung sweatpants niya. Ugh. I really forgot about it. Paano, kung anu-ano ang mga nasa isip mo nitong nakaraang araw.

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now