thirty

25K 763 85
                                    

Thirty: Too Good

Nang pumasok ako ng Gainesville kinaumagahan, wala akong inaasahan. All I thought it would be just an another ordinary day.

But I should've think that nothing would be ordinary especially after what happened last weekend.

Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay mayroon nang isang hindi normal—ang upuan ko. May nakapatong kasing bouquet ng bulaklak dito. Seeing it, I've got an idea who had put in there. Ang problema lang hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa. Inabot ko ang bouquet at tiningnan kung mayroong card o ano para malaman ko kung kanino nanggaling ito. Pero, wala. Wala man lang akong clue kung sino ang naglagay dito.

Not until I heard a voice said, "Hindi ko alam kung anong paborito mong bulaklak kaya ipinalagay ko na lang lahat."

I looked up and saw Miles standing in front of me. Napansin ko ring may mangilan-ngilan ng kaklase namin ang nakatingin sa direksyon namin.

Inalis ko ang tingin sa kanila at tumingin ulit kay Miles. "Ano 'to?"

"Flowers."

I forced not to roll my eyes at him. "I know," sagot ko. "Ang ibig kong sabihin, bakit may ganito?"

"Sinabi ko na sa'yo na ipapakita kong gusto kita, diba? Nagsisimula na ako ngayon."

Hindi ako agad nakasagot. I wanted to tell him to stop. Dahil alam ko namang walang papatunguhan yang ginagawa niya. Miles would be always a friend to me. Hanggang doon lang.

Sasabihin ko na dapat sa kanya yun nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang prof. Kaya't wala na akong nagawa pa kundi ang umupo at manahimik.

I tried to talk to Miles but I didn't get a chance to. Nang saglit na magbreak para sa next subject ay agad siyang pumunta sa grupo nina Alfred at nakipag-usap sa mga ito. And I was sure I'm one of their topics. Ilang beses ko kasing nahuling tumingin sila sa direksyon ko. At hindi rin ako manhid para hindi malaman na ang iba naming mga kaklase ay pinag-uusapan din ang nangyari kanina.

Hay. Hindi na 'to maganda. Kailangan ko na talagang makausap si Miles.

Pero dumating ang lunch break at hindi ko na yun nagawa. Agad kasi siyang inaya nina Alfred. Ni hindi niya nga rin sinabi sa akin na hindi siya makakasabay sa amin ni Kimberly. Basta sumama na lang siya sa mga ito.

Kaya't mag-isa na lang akong pumunta ng cafeteria at kinita si Kimberly.

"May problema ba, CN?" natigil ako sa pag-iisip at napatingin kay Kimberly na ngayon ay nakaupo sa tapat ko.

I breathed deeply then lowered my gaze to my plate. Doon ko pa lang napansin na hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko. Pinapaikot-ikot ko lang yung pasta sa tinidor.

Nang ibalik ko ang tingin kay Kimberly ay nakatingin pa rin siya sa akin, hinihintay ang sagot ko. It was after a few seconds when I finally nodded.

"Pwede ko bang malaman kung ano?" agad niyang tanong.

I stared at her. Matagal ko na rin naman siyang nakakasama. Actually, mas matagal pa nga kesa kay Miles. Siguro, okay lang naman na ishare sa kanya ang bagay na ito. Isa pa, kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya, tulad ni Miles, tinuturing ko na rin siyang kaibigan.

"Si Miles," sagot ko.

"Anong meron kay Miles?"

"He told me that he likes me."

Halatang nasurpresa siya sa sinabi ko. Pero agad din itong nawala at napalitan ng isang malapad na ngiti. "I knew it! May ibig sabihin talaga yung mga tingin niya sa'yo. Miles seems a nice guy. Anong problema?"

Bad for You (GU #1)Where stories live. Discover now