twenty-eight

27.1K 854 115
                                    

Twenty-Eight: Confessions

'Can I know where you're going?'

Napabuntong-hininga na naman ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen ng cellphone. That was from Slade. He texted me that last night. 'Yun ang ini-reply niya nang tinext ko siya kung pwedeng sa Sunday na lang kami gumawa ng project dahil nga aalis ako ngayon. I didn't tell him the reason, though. Hindi na lang ako nagreply pa. Ewan, hindi ko kasi magawang sabihin sa kanya na kaya hindi ako makakasama ay dahil pupunta ako sa kasal ng pinsan ni Miles para maging date ng huli.

At hindi ko naman alam kung bakit hindi ko masabi yun. Alam ko namang wala lang yun kay Slade. Pero, hindi ko lang kasi inaasahan yung reply niya—tinanong niya kung saan ako pupunta. I mean, I thought he would just say okay or something like that.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang telephone. Agad akong tumayo sa kama at lumapit sa sidetable para sagutin ito. "Hello."

"Good morning, ma'am. Nandito po sa baba si Sir Miles, hinihintay po kayo," narinig kong sabi ng receptionist.

"Okay," sagot ko. "Pakisabi, I'll be there in five minutes."

Pagkatapos sumagot ng receptionist ay ibinaba ko na ang telepono. I got my sling bag from the top of the table then glanced at the mirror. I looked all right and decent. Hindi ko kasi alam ang isusuot pero kinuha ko na lang yung unang makitang dress kanina sa cabinet pagkatapos kong maligo. It was a blue sleeveless dress. Walang masyadong design pero maganda yung cut. Flowy sa bandang dulo. Saka tama lang yung haba, lagpas lang ng mga dalawang inches mula sa tuhod ko.

Sinuklay ko pang muli ang nakalugay na buhok tapos inalis na ang tingin sa salamin at lumabas ng unit ko.

Sakto namang bumukas ang elevator at sumakay ako dito. Pero, nang pasara na ito ay may narinig akong sumigaw, "Pa-hold." Which I immediately did.

Nakatingin pa rin ako sa mga numero nang pumasok ang bagong sakay. At natigilan ako sa pwesto. Hindi ko rin maiangat ang tingin.

His familiar scent instantly filled the four corners of the elevator. Fita. Bakit ba nagsabay kami?

Letting out a deep breath, I moved my eyes from the buttons and turned it into the elevator's door. And I gulped when I saw in our reflection that Slade was looking at me, a lazy smirk was plastered on his face.

I cleared my throat but didn't look away. Pilit ko pa ring inaalis ang kaba sa katawan. At hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"You look good," I heard him say. "Heading out somewhere?"

I sighed before answering him. "Yes," I exhaled again. "To Miles' cousin's wedding."

Natigilan doon si Slade. Nakita kong nagbago ang ekspresyon niya pero agad niya ring itong naitago nang ngumisi siya. But this time it was different. The teasing in his eyes was gone. It was replaced by something distant.

"Miles," he repeated and I shivered at the coldness of his voice.

Nakita ko pa siyang napailing bago niya iniwas ang tingin. That was when we reached the 5th floor and a couple came in. Hindi ako gumalaw sa pwesto samantalang si Slade ay inokupa ang side sa kabilang bahagi ng elevator, malayo sa akin.

And I didn't know what to feel about that. Bigla na lang nagbago ang mood niya. Pero bakit? Yun lang ang tanong na tumakbo sa isipan ko hanggang sa maabot namin ang ground floor. Nasa medyo unahan naman ako kaya agad akong nakalabas.

May bahagi sa akin na gustong lingunin si Slade pero pinigilan ko ang sariling gawin yun. Pilit ko na lang inalis sa isipan ang pagkamoody ni Slade at naglakad na papuntang lobby.

Bad for You (GU #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon